THE MAN- I

38 3 26
                                    

“Do you know what time is it?”

His voice filled with authority. Hindi ako sumagot. May sarili siyang mata para tingnan ang oras nang hindi ako inuutusan.

I ploppped my self on the chair.

“Wow, adobo!” I rubbed my hands not to irritate him, but luckily, I did irritate him. Pati siguro paghinga ko nagagalit siya.

Tahimik lang din si Mommy sa gilid niya.

“ Manang, hand me a plate. Please...” tawag ko sa katulong na nakatayo sa likod ni Dad, without even glancing him, of course.

It is still 7PM, sharp. Pero nagtataka ako kung bakit galit ito. Tila binging nagsalin ako ng pagkain sa aking pinggan at hindi siya pinansin.

It's Friday—flyday. Palibhasa hindi niya iyon maa-appreciate dahil ganoon talaga, tumatanda na.

“Nakikinig ka ba?”

Sinuntok niya ang mesa. Napasinghap ang kapatid kong babae na labin-tatlong gulang pa lamang, si Sandrianna.

Lumipad ang mga pagkaing nakahanda sa hapag, but I didn't mind. I was tipsy but not drunk. Surely, I was reeking with alcohol that was the reason why he was on tantrums or maybe I did something horrible...again.

“All your cousins were busy migrating abroad for achieving their master's degree and yet, here you are. Still a loser,” he tsked.

I continued munching a nasty steak our chef had cooked, minding my own business. It was well done that it taste like a fucking chewing gum. Ang kunat. Sana umuwi nalang pala ako ng maaga para ako na ang magluto nito. Kung hindi lang talaga nangulit ng second base ang girlfriend kong si Maria...Myrna...Moira.

Shit!

Who cares about their name anyway?!

“Napag-iwanan ka na!” he sipped his wine. Nakatuon pa rin ang tingin sa akin, “everyone of them will get their wishes from your Lolo, except you,” he said while pointing his finger at me.

I hate my course—simple as that!  Mommy convinced him. I did, too. But he was too obssesed with business, kaya pinilit niya ako sa gusto niya.

“Let them be.”

Wala akong pakialam kung wala akong mamanahin basta mamumuhay ako sa paraang gusto ko. Iyon ang gusto nila. Ang maging sunod-sunoran. Malas niya lang at ako ang naging anak niya kaya pihadong mauungusan na siya ng mga kapatid niya.

I don't know what is with them.

Pareho silang magkakapatid na halos magpatayan para sa mana at sa atensyon mula sa kanilang ama.

At ngayong, ginagawa ko ang mga bagay na gusto ko nagagalit siya. I want to enjoy my youth!

Having all. Money. Power. It was a curse. Kailangan naming makipagsabayan sa aming mga kadugo upang pasiyahan ang lolo namin. Yeah, I am named after him, ako ang huling magdadala ng pangalang niya.

Grandpa was described by many as ruthless and devil in the corporate world during his time. Pero ngayon, nasa Sta. Inez siya at namamahala sa buong Hasyenda Royale. Where I sneaked everytime Dad and I argue.

“Look at your behaviour. Sa tingin mo aasenso ka niyan? Puro luho. Puro paglalasing. Puro pangbababae. Bakit hindi mo ako tularan?”

I clenched my fist.

Alam na alam talaga niya kung paano ako galitin.

Bago pa ako mawala sa sariling katinuan, tumayo ako. Hinaklit ko ang jacket sa silya at walang likod tinging nilisan ang mansion. Tinatawag niya ako pero hindi ako nakinig.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon