THE SEARCH

25 3 0
                                    

UNANG nagpaalam sina Marlon, kasama ang grupo ni Attorney De Guzman na batid kong naguguluhan sa naging desisyon ko kanina.

Sumunod naman ang tatlong magkakaibigan. Pareho silang tahimik at tila may malalim na iniisip.

”Ryo!” tawag ko sa kanya.

Sabay silang huminto.

“Kailangan nating mag-usap.”

Umiwas ako sa mapanuring tingin ng dalawa. Kung ano man ang kanilang iniisip, nagkakamali sila. Gusto ko lang pag-usapan ang tungkol sa testamento.

Blade didn’t tell me about it.

At base sa will and testament na binasa kanina, inihayag doon na kailangan ang permiso ni Ryo sa pagpapatupad ng nasabing mana para sa mga anak ko.

He must have known before Blade passed away.

I gritted my teeth. Sino siya para magdesisyon sa magiging buhay ng mga anak ko?

Naglikha ng tunog ang paglapag ko ng baso sa counter top.

“Then, we’ll take our leave. Tawagan mo ako,” sabi ni Loki pagkatapos ay masamang tiningnan si Ryo na tila hindi mapalagay sa kanyang kinatatayuan, “tawagan mo ako kung may ginawa na naman itong ugok na ’to.”

Loki grinned.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Hindi na niya kailangang mag-alala para sa akin. Kaya ko na ’to.

Loki and Hunter finally bid to say goodbye.

Malawak ang espasyo ng sala. Ngunit hindi ito sapat para pakalmahin ang emosyon kong tila mga sinulid na nagkabuhol-buhol at wala akong nagawa kundi umaktong sinusundan ng tingin ang papalayong bulto nina Hunter at Loki.

Kalmado siyang humakbang papalapit sa aking kinaroroonan. Sinubukan ko siyang sulyapan ngunit halos mapatalon ako nang magtagpo ang aming mga mata. Agad akong pumihit paharap sa glass wall.

Tirik na ang araw. Nagsimulang kumipot ang bulaklak ng mga morning glory na nakapaligid sa buong mansion. Binusog ko ang aking mga mata sa tanawing iyon hanggang isa-isang naglaho ang ugong ng mga sasakyan sa labas, senyales na nakaalis na sina Loki.

“Napag-usapan n’yo ba ni Blade ang tungkol sa mana para sa mga anak ko?”

“Anak natin,” bulong niya na umabot sa aking pandinig, “yes, we talked about it!”

Marahas akong humarap sa kanya. Totoo nga ang hinala ko. Nanatili siya sa kanyang kinaroroonan at tila pinag-aaralan ang aking galaw. Ang aking kabuuan. Animo’y inaalala ang bawat kurba at detalye ng aking mukha.

I didn’t flinched. Taas noo akong tumayo at nilabanan ang kanyang titig. Hindi ako magpapaapekto sa ginagawa niya. Hindi dapat.

“At tinanggap mo naman.” He was flustered but soon recovered his composure. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong sumagot, “you know what, wala ka na ring pinagkaiba sa pamilya mo. Kulang pa ba ang yamang meron ka kaya pati kay Blade, tinalo mo pa?”

He pursed his lips.

Kusang namutawi ang salitang iyon sa bibig ko na pati ako ay nagulat.

“What?” Ilang beses na nagtaas baba ang kanyang lalamunan. Animo’y pinag-isipan ang aking sinabi at dahan-dahang dumilim ang kanyang ekspresyon.

“Ganoon na ba ka baba ang tingin mo sa akin, Maiah?” Bumaha ang sakit sa kanyang mga mata pero hindi ako natinag.

“Oo. Mababa pa sa iniisip mo,” matabang kong tugon.

Kumurap siya at nagbawi ng tingin.

“Kaya kong tumbasan ang mana na kayang ibigay ni Blade para sa mga anak ko. Kaya ko na...” aniya sa mababang boses. Gumalaw ang kanyang kamao sa loob ng kanyang bulsa, “it hurts my ego as the father of my children but what can I do?”

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon