PLAN

35 3 0
                                    

LIMANG taon na ang lumipas mula nang manirahan kami rito sa London. Masasabi kong napakalaking bagay na dito kami dinala ng asawa ko, partikular na sa akin. It was a fresh start. And I couldn’t thank him enough.

Sa isang pitik ng pagkakataon, nag-iba ang kapalaran ko, malayo sa buhay na nakasanayan ko noon.

Malayong-malayo.

I am in the top.

Tinapos ko sa Paris ang aking kurso sa loob nang apat na taon. Nagsimula akong muli. Lahat ng mga bagay na nagpapa-alala sa akin, lahat ng iyon tinapon ko.

Isang bangungot!

Ang mga pangyayaring iyon ang pinakamasakit at ayaw ko ng maalala pa.

Sa bawat buhos ng damdamin, patuloy na umaalon ang aking mga daliri sa mga desinyong gusto gawing realidad ng isip.

Nasa taas ng papel ang aking mga kamay. Mabilis. Malumanay. Pinag-iigihang mabuti ang iba’t-ibang desinyo na nililikha para maipasa ko sa mga kompanya at ilang kliyente. My portfolio, a well-diverse compilation of my work. Versatile. Accurate.

Kinukulit na ako ng asawa ko para magtayo ng sariling kompanya. Minsan natutukso akong umayon sa plano niya pero ayaw ko namang magbaka-sakali na wala akong konkretong plano at kaalaman. Malaking pera ang ilalabas at ayokong masayang lang kapag hindi ako nagtagumpay.

Blade was one of the youngest business tycoon, hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin dito sa England. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng kanyang Lola at mga magulang na pareho ng sumakabilang-buhay.

Family money, was their status. Pero hindi iyon ang dahilan para hindi ako magsumikap. Nakapag-asawa lang ako, hindi nalumpo.

Tinatapos ko pa ang huli kong gawa nang marinig ko ang iyak ni Rhivah. May ilang yabag akong narinig kaya pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Yaya Belle was there.

“Mom,” hikbi niya. Nilapag ko muna ang sketch pad at saka siya dinaluhan.

”Hm? What is it again today?”

“Kuya was mean so, so...so I—” mas lalo lamang siyang humikbi at nagsipagbagsakan ang masasagana niyang luha. Namumula na nga ang ilong niya.

“Ooh, he’s mean?”

“Y-yes!” hagulhol niya kaya binuhat ko siya at hinaplos ang kanyang likod.

“I’m not, Mom!” sabi ng kapatid niya. Hawak pa ang isang laruan sa kamay at mabilis ang mga matang tumingin sa akin, “she’s the one who was rude all along. You know me, I was just playing with my stuff but she intruded like she owns the whole house!”

“B-but you threw my doll! You made it a pugot-ulo little creature!” sinisinok na siya pero wala pa ring sawa sa pag-iyak.

“Pero binato mo rin mga soldiers ko!”

“Blake, that’s enough! You’re the ‘Kuya’, right? And didn’t I tell you what ‘Kuyas’ should do?”

He stared on the floor. Ngumuso siya bago nagsalita.

“Protect my siblings and the family,” mahina niyang sambit. Nanatili siyang nakayuko ngunit bigla ring nag-angat ng tingin at may gustong ipaliwanag, “but she started it, Mom!” turo niya kay Rhivah.

“Laro gusto ko, eh! Ni-tanggal mo ulo!” pumalahaw sa iyak at lalong nagtago sa leeg ko.

Napapikit nalang ako sa pananalita nitong mga anak ko. Halos lahat ng mga trabahante namin ay puro pilipino kaya naman may natutunan sila sa mga salitang tagalog lalo na’t parehong matabil ang mga yaya nilang dalawa.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon