STRANGER

24 3 0
                                    


This is it!

“Ma’am, nakakatakot naman ang mga tao rito, nagsisigawan na parang naghahanap ng away pero nag-uusap lang pala!” sabi ni Lily.

“Oo, iyon din ang sabi ni Mama, noon!” sang-ayon ko sa kanya.

“Pero infairness, makinis pa ang puwet nila sa feslak natin, ’di ba? Madam?” turo niya kay Abby na nasa kanyang tapat. Nakabusangot ang mukha nitong nakikinig sa mga obserbasyon ni Lily sa mga taong naglalakad sa labas nitong hotel. Salamin kasi ang dingding kaya naman kitang-kita namin mula rito sa loob ang mga taong busy sa paglalakad. Ang isa ay may hawak na kape; sumasagot ng tawag at may nakalakip na peryodiko sa kanyang kili-kili.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang isang pilipina na sa hinuha ko’y nasa edad kuwarenta pataas, kaedaran ni mama noon. May hila-hila siyang market trolley. Nasa magkabilaang tenga ang headset at konektado ito sa kanyang cellphone na nasa bulsa niya.

Puno ng lungkot ang kanyang mga mata. Hindi lang iyon pati na rin ang pagod habang nag-aantay na mag-go sign ang traffic light.

Naalala ko na naman si Mama. Sandali akong napatulala. Ganito rin ang nakikita ko sa mukha ni Mama noon kapag tumatawag siya sa akin. Magulo ang buhok. Namumutla dahil wala man lang kinaing almusal dahil sa pagmamadaling maihatid ang kanyang mga alaga sa eskwela.

Nagseselos ako sa mga alaga niya noon, kasi ako hindi ko naranasan na ihatid ni Mama. Hindi katulad ng mga kaklase ko, may magulang na maghahatid at magsusundo, may magulang tuwing family day, at may magulang na maglalagay ng mga medalya tuwing katapusan ng taon.

Agad akong kumurap. Nandito nga ako sa Hongkong, nakapunta nga ako rito pero wala na...wala na si Mama. Hindi ko natupad ang pangako kong bibisitahin siya rito kasi  sabi niya ipapasyal niya ako. Hindi ko man lang nasuklian lahat ng sakripisyo niya. Kung sana...kung sana maibabalik ko lang ang nakaraan...no! Sandali akong natigilan.

I should live without regret.

Tinuon ko sa aking plato ang tingin. “This is the busiest city, afterall.” I muttered unknowingly.

Nagmamadali kong inubos ang almusal. Dahil sa pagmamadali, hindi ko na alam kung anong lasa ng mga pagkaing nilulunok ko.

Wala akong gana pero kailangan ko ng lakas mamaya. I felt anxious. Palagi naman. Mukhang hindi lang doble, triple pa.

“Lily, kumusta na ang pinapagawa ko?” sinubukan kong ibaling sa ibang bagay ang isip ko.

Para akong mababaliw sa dami ng mga bagay na bumagabag sa akin. Tulad nalang kung paano ko gagawin ang winning piece namin mamaya sa finale.

“Na booked na po, Mrs. M., noong isang araw pa,” sabi ni Lily. Napakunot ang noo ko sa reaksyon niyang tila nanunudyo, “kayo Ma’am, huh, masyado kayong excited. Tuyot na tuyot na ba?”

Halos mabilaukan ako dahil sa sinabi niya. Ito talagang bibig niya...

“Psst! Magtigil ka nga, Lily,” saway ni Abby. Pinanlakihan niya ng mata ang katabi na tila natutuwa pa. Panay ang hawi nito sa kanyang mahabang bangs, “kung marinig ka ni Sir Blade talagang malilintikan kang babae ka!” Napaatras naman si Abby dahil sa bread knife na hawak nito.

“Totoo naman, ’di ba?” tanong niya at ininom ang kapeng malamig pa sa taong nasa aming tapat. Kumakain din.

Hindi kaya...narinig ang pinag-uusapan namin? Simple akong naglibot ng tingin upang hindi nila ako mahalata.

Tahimik lang silang dalawa ng kasama niyang babae, si Ms. Heidi, isa sa mga producer. Kumuway siya sa aking direksyon. Kiming ngiti lang ang ginawad ko at hindi na muling tumingin sa kanila.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon