CALL DADDY

33 3 2
                                    

“Ma’am, nangangalay na po ako rito parang awa mo na. Kulang nalang magkasapot ako para maging gagamba,” reklamo ni Ludis.

Nagtawanan ang dalawang kasamahan niya. Lalong nangatog ang kanyang tuhod nang gumewang ang kinatatayuan niyang hagdan.

“Kaunti nalang! Aja! Kaya mo ’yan, Ludis,” I cheered.

Pero hindi epektibo ang ginawa ko. Dumoble ang pamumutla niya. Paano ba naman kasi, ang laki ng bahay na ito kaya ang layo ng kisame.

Walang pa namang ibang makakatulong sa amin. Malulusog itong dalawa, e. Pinagbabawalan din ni Ryo ang lahat ng tauhan niyang lalaki na pumasok matapos ang walang abisong pagbisita ng Mama niya noong nakaraan.

Ayaw naman nilang pumayag nang sabihin kong ako nalang. Baka ipatapon daw sila sa Bermuda triangle ng amo nilang saksakan ng kagwapuhan, well, that’s what they said.

I never said his handsome.

He’s not.

Mas guwapo pa ang mga anak ko sa kanya. But, I rolled my eyes when I realized where they got those conspicuous features that made them stood out from the crowd. From their Dad.

Hindi man nakuha ni Bambie ang kulot na buhok tulad ng mga kambal, bumawi naman ng bongga sa korte ng ilong at sa labing kaakit-akit.

That jerk! Ang lakas ng blood cells.

“Susmaryusep!” kumunyapit siya sa poste ng dingding nang gumewang ang hagdan. I scampered to help them.

“Kumapit kang mabuti,” sabi ko saka inabot sa kanya ilang balloons. Dinidikit namin ito sa kisame at hinahayaan ang nakataling mga ribbons na malayang  nakalambitin at nililipad ng hangin.

“Hindi pantay, Ludz. Tumabingi,” biro ni Bebang.

“Ano’ng hindi? Kung pantayin ko ’yang nguso mong hugis mangga? Makikita mo kung anong ibig sabihin ng pantay, Bebang.”

“Naku, ikaw talaga hindi ka na mabiro!”

“Biruin mo na ang lasing ’wag lang ang babaeng matagal nang hindi nakatikim,” panunuya rin ni Violy na siyang kinalaki ng ilong ni Ludis.

Napailing ako.

“Ay, wow! Sino’ng hindi nakatikim? For your impormisyon, sa ating apat dito, tatlo tayong tigang.” They eyed at me. Pabaling-baling ang tingin ko sa kanilang tatlo. Ako ba? Ako ba ang tinutukoy nila? 

Tumingala ako sa kisame. Hindi para iwasan ang mapamg-usisa nilang tingin kundi upang tingnan kung totoo nga ba ang sinabi ni Bebang.

Kumunot ang noo ko. Wala namang tumabingi, a. Niloloko lang ako ng mga ’to.

Muling pumasok sa isip ko ang mainit na tagpong nangyari kanina sa loob ng washroom bago siya umalis pati na rin ang nakakapanlaway niyang katawan. The way he towered me like a madman. Naked. His oozing muscles, flexed.

Bigla akong pinagpawisan ng malagkit. Shit!

“O, 'ayan. Kita ninyo? Hang-over pa,” dumako ang tingin ko kung nasaan ang tinutukoy niya.

Bigla akong tinubuan nang hiya.
Sa kamalas-malasan kasi kanina, pumasok si Ludis sa washroom at naabutan niya roon si Ryo na hubad-baro. Magulo ang kulot niyang buhok. Humuhulma ang matipuno niyang katawan habang nagsasampay ng pinaglabhan ko.

Kaya siguro, ngayon, gumagawa ng kwento itong si Ludis. Oo, gumagawa siya ng kwento.

“Sino’ng uhaw? Ludis?” I distracted her. Dinungaw naman niya akong may ngisi sa labi.

I gave her a warning look. Kung ayaw niyang tumigil, aalugin ko talaga ang hagdan kung saan siya nakalambitin.

“Ay, Ma’am. Hehe,” tumawa siya ng mapakla. I raised my brows, “oo siya, titigil na. Kasi naman inuurat ako ng mga 'yan.” nag-peace pa ang babe.

Mr. CEO's Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon