Heather Stewart.
Nagising ako ng may matinding sama ng pakiramdam akong nararamdaman sa sikmura ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga. Hinawi ko ang braso ni Zar na nakayakap sa akin at dali daling tumakbo papunta ng banyo.
Sumuka ako ng sumuka. Sinuka ko ang kinain kong quaker oats kagabi. Quaker oats na nga lang ang kinain ko sinuka ko pa.
Ilang minuto lang, nakaramdam ako ng paghaplos sa likod ko.
"Okay ka lang?" nakapikit pa ang isang mata ni Zar ng tanungin nya ako.
Marahan kong inangat ang ulo ko at tiningnan sya sa salamin na nasa harap ko at saka ko binuksan ang gripo.
Napabuntong hininga ako sa dami ng nilabas ko.
"Punta na tayo ng OB? Magbibihis lang ako." pananalita ulit ni Zar.
Dumiretso na ako sa pagkakatayo ko saka sya nginitian at hinarap.
"Okay sige. Pero, wag kang madisappoint kung hindi ako buntis ha." Sabi ko sa kanya habang hinahaplod ko ang pisngit nya.
"Bakit naman ako madidisappoint? Syempre hindi." Sagot nya saka nya ako hinalikan sa labi.
Napatawa ako. "Ano ba. Wag ka nga. Nag uusap tayo eh." Pigil ko sa kanya habang ang mga pisngi ko naman ang pinaulanan nya ng mga halik. "Kung tingnan mo ako nung sinabi mong baka buntis ako, ganun nalang ang pagkislap ng mata mo. Psh, kung alam mo lang, ang hirap kaya manganak." Nagkunwari pa akong nag roll eyes sa kanya.
Mula sa likuran, bigla naman nya akong niyakap. Tinitingnan namin ang isa't isa sa salamin na nasa harapan namin.
"Kahit anong mangyari. Nandito lang ako para sayo." Nakangiti nyang sabi saka nya ulit ako hinalikan sa aking pisngi.
Napangiti ako ng malaki. "At ako din sayo." Bulong na sagot ko sa kanya.
*
Malamig ang pawis na bumabagsak galing sa noo ko. Hawak ko ang papel na nagsasabi kung ano ang resulta ng aking test. Buntis ba ako o hindi? Naku, paano ko ba sasabihin to kay Zar. Bigla naman akong kinabahan ng malaman ko ang resulta. Ito ang pinaka hindi ko ineexpect sa lahat.
Sobrang nakakakaba.
Mabagal at medyo nanghihina kong tinulak ang pinto palabas ng OB-GYNE room. Mula naman sa pagkakaupo, mabilis na tumayo si Zar at sinalubong ako.
"Ano? Anong sabi ng doktor?" agad nyang tanong habang patuloy na sinisipat ang mukha ko at tila ba binabasa ang ekspresyon ng mukha ko.
"Uhm, kasi..." nag aalangan kong pabulong na tugon sa kanya saka ako napabuntong hininga.
"Ano? Okay lang yan Mommy, sabihin mo." Para bang nag aalangan na nyang tanong sa akin.
"Kasi..." unti unti kong iniangat ang papel na naglalaman ng resulta. Napakunot noo naman sya at kinuha yon. Mabagal na inunfold nya ang papel at ng titingnan na nya...napangiti ako. "Kambal ang magiging anak natin!"
"Ha?" gulat na ibinalik ni Zar ang tingin nya sa akin ng hindi pinansin pa ang papel. "K-kambal?" nauutal nyang tanong.
Mabilis akong tumango. "Oo, kambal." Natatawa kong sagot sa kanya.
Ilang segundo muna kaming nagtitigan. Pareho kaming hindi makapaniwala sa balitang sinabi ko. Saka nya ako niyakap ng sobrang higpit.
"Heather.." bulong nya malapit sa tenga ko. "Thank you ng sobra sobra. Pangako kong mamahalin kita hanggang sa dulo ng paghinga ko. Ah hindi, hanggang sa kahit patay na ako. hahabulin parin kita at mamahalin."pananalita nya habang hinahaplos ang buhok ko.
Napangiti naman ako at medyo naiyak sa sinabi nya. "Zar naman, bakit parang pang matanda na yang sinasabi mo." Natatawa kong sagot sa kanya.
Napatawa din sya pero may kasamang hikbi. "Hindi ko alam. Basta ang alam ko, mahal na mahal lang talaga kita." Saka pa lalong humigpit ang yakap nya sa akin.
*
Hindi ko alam kung ano pa ang mga mangyayari sa amin sa hinaharap. Hindi ko alam kung magiging mahirap o magiging madali. Ang alam ko lang, sa bawat pangyayaring iyon, may isang Lazarus Temprosa akong makakasama, sa kahit saan man ako pumunta. At syempre, ang aking anghel na si Heaven at ang dalawang bagong anghel na darating sa buhay namin.
**
Hello Everyone!
I know, napakashort ng chapter na ito. Alam ko na saglit lang ito pero at least di ba, nalaman nyo kung ano ang nangyari kay Heather at Zar. So, kambal ang kanilang magiging anak! Yehey! Congratulations sa kanila!! This is the start of their better than ever life.
And I would like to inform everyone that this is the last special chapter of AONL. Come on guys, magkakakambal na sila and the rest of the story should be left in our imagination. Alam nyo na kung anong mangyayari. Hehe! This is my thanks to youg guys for that 70+K reads recorded of AONL. Maaaring hindi ito malaki sa iba pero this is a true achievement for me. Kaya maraming maraming salamat guys.
Last one thing, plano kong isulat ang love story ni Sophie at Lemuel. Ang magiging focus ay ang time period kung saan nasa Amerika si Heather. Iyon naman kasi ang time period na naging couple si Sophie at Lemuel.
Pero, this story will not be posted kung hindi kayo MAGCOCOMMENT. Please comment, gusto nyo bang malaman ang storya ni Sophie at Lemuel? Gusto nyo ba itong mabasa? Let me know guys! Asahan ko ang comment nyo. PLEASE COMMENT.
Iyon lamang at maraming maraming salamat sa pagbabasa nyo. Until next time! Bye!
THANK YOU!
MsRedMonster,
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...