Heather Stewart.
Agad kong pinark ang sasakyan ko sa garahe ng makarating na ko sa bahay.
Sobrang nakakapagod ang araw ko! Trabaho, issues ni Louis tapos, kailangan ko pa ulit bumalik sa trabaho. Sobra talaga ang pagod ko!
"Si Evo ho?" tanong ko kay Manang ng salubungin nya ako.
"Nasa taas" malalaking ngiting sagot nya. "Nandyan si sir Zar." dagdag pa nya.
Agad na nakuha ni Manang ang atensyon ko. FULL ATTENTION.
"Uhm..kanina pa po ba sya?" tanong ko.
"Oo. Kanina ka pa nga nya hinihintay. Kumain na rin sila ni Evo. Ikaw ba, kakain ka pa?”
"Ah hindi na po, sige po salamat." tuluyan na kong lumakad papasok ng bahay.
Didiretso sana ako papunta sa kwarto ko pero hindi ko napigilang mapatigil sa paglalakad ng marinig ko ang tawanan ni Zar at Evo. Hmm, mukhang naglalaro sila ng video game.
"Tok tok." agad na nabaling ang tingin ni Zar at Evo sakin ng magsalita ako.
"Mommy!!" naeexcite na sigaw ni Evo kasabay ng mabilis nyang pagtayo at papunta sakin.
Lumuhod ako at lumevel sa height ni Evo. Niyakap at hinalikan nya ako sa pisngi.
“Gabi na, naglalaro ka pa?” malumanay kong tanong sa kanya.
“Just this time, Daddy is here anyway.” Pagrarason pa nya kasama ang napaka cute na pagtawa.
“Okay, just this time.” Pinat ko ang ulo nya saka sya binuhat papunta sa kama nya.
Inakyat nila yung TV namin na nasa sala. Talaga naman! Natatawa at napapailing nalang ako.
“Ako wala ba akong kiss?” mapanloko ang mga ngiti at tingin ni Zar, halatang nagbibiro sya.
“Tsk, wala na. Paurong naman.” Sagot ko sa kanya kasabay ng pag upo ko rin sa kama.
“Eeeehhhhh!!! Mommy and Daddy kisssiiinnnngggg!!!! Ayiiiiiieeee!” agad akong natawa sa panunukso ni Evo.
“What? It’s not—“
Biglang lumapit sa akin si Zar at inakbayan ako.
“Do Mommy and Daddy and look good together?” napatingin ako agad sa kanya. Nag titwinkle ang mga mata nya ng tanungin nya yun.
“Yup!” matinis ang boses ni Evo ng sabihin nya yun. Nag pop pa yung letter p sa dulo ng salita.
“Then maybe…” tumingin sa akin si Zar. “Mommy and Daddy should be together. Isn’t it?”
“Yes! Yes! Yes!” nagtatatalon si Evo sa kama nya habang nakatingin parin kami ni Zar, mata sa mata, sa isa’t isa.
“Uhm…magbibihis na nga lang ako.” agad kong tinanggal ang mga tingin ko kay Zar.
Feeling ko sobrang namumula ang mga pisngi ko, bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang katawan ko.
“Punta muna ako sa kwarto ko.” tumayo na ako sa kama.
“Okay Mommy.” Hinalikan ko si Evo sa noo nya, saka sya bumalik sa paglalaro nya.
Nakangiti at nakatingin sa akin si Zar. Para bang sinasabi nya na tumatakas na naman ako sa mga damoves nya. Napailing at napangiti nalang ako saka lumabas at dumiretso sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Ficção AdolescenteInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...
