Heather Stewart.
Nandito ako ngayon sa isa sa mga meeting rooms ng FnF Company, ang kumpanyang pinagtatrabuhan ko.
Agad akong napatingin at napatayo sa pagbukas ng pinto.
“Heather Stewart?” tanong ng isang lalaking nasa mid 50’s. Naka suit at nakasalamin.
“Yes Sir.”
“Ah, take a seat, take a seat.”Isinara nya ang pinto saka naglakad papunta sa pwesto ko.
“Francis Madrigal.” Inilahad nya ang kamay nya at shinake ko naman iyon. “Maraming sinasabing papuri sa akin si Franco tungkol sayo. Nagtataka nga ako kung bakit ngayon palang tayo nagkita.”
Umupo na kaming pareho sa upuan namin. Partnership company ang FnF. Kumpanya ito ng tatay ko, which is si Franco at ng kaibigan nyang si Francis.
“Hindi lang po nagkaroon ng pagkakataon in the past.” Nakangiti kong sagot.
“Ah, oo nga.” Natawa nyang komento. “Well, I um, have read your records and...you had such an excellent performance sa branches namin sa Amerika. But for sure, kukunin parin naman kita kung bago ka lang considering that you are Franco’s daughter.”
“Well Sir, I would prefer po kung kukunin nyo ako because of my record than being your partner’s daughter.”
“Of course.” Nakangiti nyang sagot. “So...I have a meeting in..” tumingin muna sya sa kanyang relo. “10 minutes. One of my associate will accompany you. Pakihintay nalang muna ulit dito.” Tumayo na sya at inilahad ang kamay sa akin.
“Yes Sir. Thank you!” Umalis na syang agad habang ako, hinihintay na yung mag aaccompany sa akin dito.
FnF ang naging kumpanya na pinagtrabahuhan ko sa Amerika. Dahil na rin sa kumpanya ito ng aking tatay, hindi na ako nahirapan pang magtrabaho dito. Mababait ang mga tao at madali lang ang trabaho. Specifically, nag aarange kami ng events ng mga ibang kumpanya. Hotels kasi ang company na ito pero mas ginagamit para sa mga events.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.
“Oh Sophie, napatawag—“
“Samahan mo ko sa kumpanya ni Lazarus. Susugurin ko yung copycat ko!” nagulat ako sa sigaw nya.
“Ha? Ano bang problema mo?”
“Si Lemuel kasi! Feeling ko nambababae na naman sya!” ramdam ko ang galit ni Sophie.
“Eh akala ko ba hindi na bago yun?”
“Oo pero sa dinami dami naman ng babae yung echoserang copycat ko pa! hah! Sugurin natin sya!”
“Sophie, nasa trabaho ako ngayon. Huminahon ka nga muna. Feeling palang naman yan..”
“Hindi! Susugurin ko sya! Sige, tawagan nalang kita ulit.”
“Pero—“
Wala na. Pinatayan na ako ng telepono. Haay naku! Ano na naman kaya ang gagawin ng babaeng yun? Siguradong mag iiskandalo yun. Patay na.
Napaayos ako ng upo ng marinig kong umikot ang door knob ng pinto.
“Good—“ napatigil ako sa pagbati.
“Hi Beautiful!” pagbati nya sa akin.
Napatakbo ako at napayakap sa kanya.
“Oh my gosh! What are you doing here?” naeexcite kong tanong kay Vic.
Si Vic ang isa sa mga malalapit kong kaibigan sa Amerika. Half American, half Filipino sya. At sobrang bait ng lalaking ito!
“I didn’t expect much kind of excitement from you.” Nakangiti pa nyang tukso.
“Oh please! You surprised me! Why are you here?”
“Well I’m chasing down the most beautiful girl I know.”
“Stop kidding around kiddo! Seriously, why are you here?”
“I’m not kidding beautiful!”
“Shut it Vic.” Pabiro ko pang sabi.
“Okay okay. Well...I will be your partner here.”
“Seriosuly?” gulat kong tanong.
“Yeah. My Filipina mom asked me to visit her here and I figured out I should just stay here for a while, since youre also here..” pinisil pa nya ang pisngi ko.
“So..youre also moving branches?”
“Yes smart beauty..”
“You should have told me!”
“I love it when you are being surprise.”
“Oh you do not have any idea.”
Naging masaya ako dahil nandito si Vic. At least, may kakilala na agad ako. Hindi na ako mangangapa pa sa mga tao.
**
“We have like 50 rooms here. 30 of which are for small gatherings while the 20 is for really big events. Everything remains the same except of course, the people you will be working with to, the clients we will be handling and the requirements that they might be needing. But all others starting from the rules, decorations and even in the policies are all the same.” Pagpapaliwanag sa akin ni Vic habang nililibot namin ang building.
“How long have you been here that you know all this?” I ask in amusement.
“3 weeks.”
“That’s such a long time!” mahina ko pang hinampas ang braso nya.
“Well, surprise!”
“Tsk!”
Ipinakilala nya ako sa bawat empleyado na kakilala nya. Wow. Ang galing talaga ni Vic makipag kaibigan at masasabi kong isa yun sa mga asset nya kung bakit sya kinuha ng kumpanyang ito.
Nandito kami ngayon ni Vic sa isang resto ng hotel, nag lulunch.
“So, where’s Evo? I miss your son.” Biglang tanong nya.
“He’s at...school.”
Isa si Vic sa mga taong nakakaalam ng storya ko. Syempre, ang awkward naman kung sasabihin ko na kasama ng anak ko ngayon ang Daddy nya. Lalo na’t alam naman ni Vic ang nangyari sa amin ni Zar.
“Can I visit him? Maybe later?”
“Ah no.” hindi ko napigilang masabi agad. “I mean, maybe the day after tomorrow. It’s just...the house is dirty and...”
“Oh you know I can cope up with your dirty house-style.” Natatawa pa nyang tukso.
“Tease” pinanliitan ko pa sya ng mata. “But, just, I’ll call you. Just not today.”
“Okay.”
Haay. Sana naman kayanin kong masabi sa mga taong nakakaalam ng kuwento ko na nakausap ko na ang tatay ng anak ko. Dahil kung hindi...isang malaking problema ito.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...