One Night 36: The Ex is Back

8.9K 149 6
                                    

Third Person.

“Dito!” masayang itinaas ni Sophie ang kanan nyang kamay para makita sya ng boyfriend na si Lemuel. Agad naman itong naglakad papunta sa direksyon ng dalaga at umupo sa upuan na katapat ng kinauupuan nya. “Oh ano? May balita ka na? anong nangyari?” mabilis na tanong ni Sophie, halatang na eexcite sa impormasyong maaaring dala dala ng boyfriend nya.

Napabuntong hininga si Lemuel. Bagay na ikinakunot noo ni Sophie.

“Oh bakit?” tanong ng dalaga.

“Sabi ko sayo dapat di na natin ginawa yun eh. Nagkagulo pa tuloy.” Nalulungkot na saad ng binata.

“Bakit? Ano bang nagyari kagabi?” nagtatakang tanong ni Sophie.

Napabuntong hininga muli ang binate bago sumagot. “Ayun, nagsuntukan pa tuloy yung dalawa. Ah hindi, si Zar lang pala ang nanuntok.”

“Sinuntok ni Zar si Carlo?” nanlalaking mata at hindi makapaniwalang tanong ni Sophie.

Inaasahan naman nyang magkakaron ng tensyon sa pagitan ng dalawang yon pero ang magsuntukan? Hindi nya maiisip na gagawin nila yun lalo na’t respetadong mga tao na ang mga ito.

“Oo. At dahil yun sa kagagawan nating dalawa. Sayo ba to? Painom nga.” Sabay kuha ni Lemuel sa orange juice na nasa tapat ni Sophie.

“Cool..” bulong ng dalaga ng mag sink in sa kanya ang ginawa ni Zar. “Bayolente pero cool” isip isip nya.

“Anong cool ka jan? Tumigil ka nga.” Saway ni Lemuel sa kanya. “Tsaka may nangyari pa daw kagabi.” Dagdag ni Lemuel.

“Ano pang nangyari?” naeexcite na malaman na tanong ni Sophie.

“Bigla daw dumating kagabi si…”

“Lem?” sabay na napalingon sina Sophie at Lemuel sa tumawag sa palayaw na iyon ni Lemuel.

“L-louis?” hindi makapaniwalang tanong ni Lemuel habang napapakunot noo at parang nabigla parin si Sophie sa nakikita nya.

“Lem! Ikaw nga!” masayang sambit muli ni Louis sabay yakap kay Lemuel.

“Ah teka..”naiilang na pinat lang ni Lemuel ang balikat ni Louis habang nakayakap ito sa kanya. Naiilang sya lalo na’t nakatingin at nakikita sila ng malapitan ni Sophie.

“Kamusta ka na?” agad na tanong ni Louis kay Lemuel.

“Ah, okay na—“

“Excuse me, Yoo-hoo! Nandito kaya ako.” sarcastic na nakangiti si Sophie sa dalawa.

“Oh sorry, sino ka ba?” hindi malaman ni Sophie kung plastic ba o tunay yung ang mga ngiting pinapakita ni Louis. Pero tunay man o hindi…hindi parin sya naniniwala sa mga ngiting yon.

“Ikaw sino ka ba?” mabilis na bweltang tanong ni Sophie habang naka cross arms at naka sarcastic na ngiti pa rin. Medyo nagulat si Louis sa tonong iyon ni Sophie.

“Sophie..” pabulong na warning ni Lemuel pero parang hindi sya narinig ng dalaga.

“Kung makayakap yakap ka dito kay Lemuel akala mo naman napaka close friends nyo. Para kang malanding lintang hinahagis nalang ang sarili nya sa kung sino sino nalang. Malandi ka parin talaga Gicam.” mabilis na saad ni Sophie.

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon