Third Person.
"Si Nay Sally ang sasalubong sa inyo ah. Sa plano namin, sa resthouse kami mag st-stay pero kayo na ring bahala kung san nyo gusto, baka kasi mas komportable si Heather sa hotel. Basta, sabihan nyo nalang sya kung anong plano nyo." napangiti si Zar sa impormasyong binigay ni Lemuel sa kanya. Suot nya ang wireless device sa tenga habang masayang nagmamaneho papunta sa bahay ni Heather.
"Hindi, napagusapan na namin kagabi sa telepono na sa resthouse nalang. Sa tingin ko din naman namin mas komportable naman dun kesa sa hotel. Salamat insan. Pasabi din na salamat kay Sophie. Kamusta na pala sya?" lahad at tanong ng binata.
"Eto, may sakit parin. Ang kulit naman kasi! Ayaw pang uminom ng gamot. Nagtatalukbong lang." nakakunot noo sa kabilang linyang saad ni Lemuel. Natawa naman si Zar.
"Magtaka ka kapag di na sya makulit. Ibig sabihin, malala na ang sakit nyang girlfriend mo." natatawang sagot ni Zar.
"Haha! Oo nga." nakarinig si Zar ng isang malakas na boses na tawag sa pangalan ni Lemuel. "Naku, gising na ang mahal na reyna ko. Una na ko ha." pagpapaalam ni Lemuel.
"O sige sige." natatawang sagot ni Zar bago ibinaba ang tawag.Sampung minutong masayang byahe pa bago tuluyang nakarating si Zar sa bahay ni Heather. Masayahin pa syang sumisipol ng makalabas ng kanyang sasakyan.
"Daddy!" agad na salubong sa kanya ni Evo. Binuhat naman nito ang bata saka nya niyakap.
"Where's Mommy?" mabilis na tanong nito.
"Nandito ako." nakangiting lumabas si Heather mula sa pinto. Napatigil at napatulala saglit si Zar sa kung gaanong kaganda si Heather. Suot nya ang isang plain blue dress at half heel transparent sandals. Sobrang naemphasize ang figure ng dalaga. Lalo pang nag go-glow ang aura nya dahil sa malalaking ngiting nakapinta sa mga labi nya. "Okay lang ba kung ikaw na ang kumuha ng mga bags namin?" nakangiting tanong ni Heather. Pero, patuloy parin ang pagtitig sa kanya ng binata. "Zar?" nag aalangan tuloy na tanong ng dalaga.
"Hey Daddy!" nagising lamang sya sa pagpapantasya nya ng tapikin sya ng anak nya.
"Ha? Ah oo naman." ngumiti sya saka ibinaba muna ang anak nila. Medyo ilang syang tumingin kay Heather ng daanan nya ito papasok ng bahay.Bakit ganun? 24 na si Heather samantalang 26 naman na si Zar. Pero, bakit pa ba nila nararamdaman ang ganitong klase ng ilangan?
"Uhm, may problema ba sakin kaya hindi ka makatingin? Panget ba yung suot ko? Hindi ba bagay?" tanong ni Heather ng nasa gitna na sila ng byahe at makitang nakatulog na si Evo sa passenger seat sa likod.Mabilis na inialis ni Zar ang tingin nya sa kalsada at mabilis na sinulyapan si Heather.
"Hindi. I'm sorry, yun ba ang iniisip mo kanina pa?" may bahid ng pag aalala sa boses ni Zar.
"Well, kanina ka pa kasi hindi makatingin sakin. May problema ba?" tila ba mayroong kakaibang lakas ng loob ang dalaga ngayon. Maaaring dahil na rin sa intensyon nya para sa bakasyon na ito.Dumapo ang kanang kamay ni Zar sa kaliwang exposed na tuhod ni Heather. Isang gesture na nakapagpadala ng biglang pagbilis ng puso ng dalaga at ang pananaas ng kanyang balahibo.
"Sorry Mommy." nakangiting sagot ni Zar habang diretsong nakatingin sa kalsada. "Promise, titingin na ko sayo." sumulyap pa sya kay Heather sa gilid. "And besides, sobrang perfect mo ngayon kaya ako napapatulala at naiilang. Don't worry Mommy" honest at playful na sagot ni Zar sa dalaga.Namula at kinilig si Heather sa mga salitang yon. Hindi nya alam ang dapat nyang sabihin kaya naman napangiti at diretsong tingin nalang sya sa kalsada.
"Ito na ba yun? Magiging ganito kaya kami katotoo sa isa't isa kung magiging opisyal na kami?" isip isip nya.Mahinang napabuntong hininga ang dalaga saka nya mahinang iniling ang ulo nya.
"Chance Heather. Bigyan mo sya ng chance. Hindi dapat ako nag ooverthink sa mga bagay bagay" isip isip nyang muli.Magdadalawang oras pa na byaheng sakay ng eroplanong papuntang Cebu ang sinakyan nila. Sa byahe palang, halatang pagod na silang lahat. Si Evo at Zar, parehong sobra silang excited umalis papunta sa bakasyon. Pareho tuloy puyat ang mag ama. Sa kabilang banda, hindi rin naman nakatulog agad si Heather kakaisip kung ano ba ang dapat nyang gawin para sa intensyon nya.
Isang oras na byahe ang binuno nila ng makalapag sila sa Cebu. Ang family driver at caretaker na si Manong Toni ang sumalubong sa kanila. Sa pagod ng mag ina, nakatulog silang dalawa sa buong byahe. Dahil dito, buong byahe namang nagkaroon ng pagkakataon si Zar na titigan si Evo at Heather. Ito ang unang beses na natitigan nya ng mabuti ang kanyang mag ina. Sa buong byahe tuloy, isang hindi matanggal tanggal na ngiti ang nakapinta sa mga labi nya.
"Heather...Heather..." mabagal at kalmado ang tawag ni Zar sa dalaga ng tumigil na ang sasakyan nila.
"Zar, pasok ko na muna tong mga gamit nyo ha?" tanong ni Mang Toni sa likod.
"Sige ho. Salamat." ngumiti at tumango ang binata sa matanda.
"Heather...Hea--" biglang nagising ang dalaga.Kinusot muna nya ang kanyang mga mata, tumingin kay Zar, inilibot ang mga mata sa paligid saka bumalik muli ang mga tingin nya kay Zar.
"Nandito na tayo?" mahina nyang tanong.
"Oo. Gising na." nakangiting hinalikan ni Zar si Heather sa noo.Nagulat ang dalaga. Isang simpleng aksyon lamang yon pero agad syang nagising.
Sa kabilang banda, kakaibang confidence naman ang meron ngayon si Zar. Marahil, naimpluwensyahan sya ng kakaibang confidence din ng dalaga kanina.
Dahan dahang binuhat ni Zar si Evo papasok ng simple pero antique tingnan na bahay. Kasunod nya sa likod ang gising na gising at patuloy paring nag b-blush na si Heather.
Ng tuluyan ng makapasok ang tatlo sa bahay, isang babaeng nasa edad 50s ang sumalubong sa kanila. Suot nito ang malalaki at maliliwanag na mga ngiti. Ng makita nya si Zar, agad na bumukas ang mga bisig nya para yakapin ito.
"Zar anak..." pananalita nito kasabay ng kanyang yakap. "Ay, tulog pala." mahina pa syang tumawa ng makita nyang tulog si Evo.Nakangiti namang tumango si Zar sabay tingin kay Heather.
"Ito na ba si Heather?" tanong ng matanda habang nakatingin sa dalaga.
"Opo." nagkasabay pa na sagot ni Heather at Zar.
"Hi Heather, Ako si Sally. Nanay o Nay nalang ang itawag mo sakin tutal yun din naman ang tawag sakin nitong si Zar." niyakap si Heather ng matanda kaya ganun din naman sya.
"Sige po." naiilang pa na sagot ni Heather pero nakangiti parin.
"Naku! Siguradong pagod kayo. Tara muna sa kwarto? Naihanda ko naman na ang lahat." masaya nyang saad.Parehong napangiti sina Zat at Heather.
"Sige po." sagot ni Zar habang tumango naman si Heather.Sabay sabay silang umakyat sa second floor ng bahay habang nag iisip na ng maaari nilang mga pwedeng gawin sa lugar.
**
Update time!
Natagalan ang UD, sobra kasing busy and katulad ni Sophie, may sakit din ako. Partida, sa cellphone ko lang lahat yan tinype. *taps myself proudly*
I hope makapag UD ako agad, tingnan nalang natin. :)
Please VOTE kung nagustuhan nyo ang chapter na ito.
Please COMMENT about anything. Anything!
Thank You!
MsRedMonster,
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Подростковая литератураInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...