Heather Stewart.
Naging masaya ang atmosphere ng aming kainan. Bukod kasi sa kaldereta, nakapagluto pa kami ni Sophie ng sinigang at Adobong manok. Very pinoy ang nga naihain namin sa kanila.
"So Tita Sophie, seriously, why do you look like that?" naka frown ang maliliit na noo ni Evo kay Sophie. Kaharap ng boys habang kami naman ni Sophie ang magkatabi.
Nagtawanan kami. Kanina pa kasi nag aasaran si Sophie at Evo.
"Hoy ikaw bata ka ha! Ano bang problema mo sa mukha ko? Nanalo kaya akong Ms. Muse sa school namin nung highschool. Maganda ako noh!"
Umiling iling si Evo na parang ayaw maniwala.
"I doubt it." bulong pa nya.
"Ano? Kutusan kaya kita jan! Di ba Heath, sikat ako nun sa skul?" patay na. Humihingi na sakin ng tulong.
Tumingin ako na parang nag iisip sa lahat. Actually, yung Ms. Muse category noon sa highschool, sya naman talaga ang nanalo. Eh takutin ba naman kasi nya lahat ng estudyanteng gustong bumoto eh. Kaya wala silang nagawa.
"Parang...parang hindi ko na ata maalala na may ganung activity nun sa highschool Sophie." nag mamaang maangan pa talaga akong walang alam.
Nagtawanan ang lahat. Syempre, maliban kay Sophie na pinagkakaisahan na naman.
"Okay lang yan Sophie, I also doubt it." pabirong sabi ni Lemuel sabay tingin kay Zar at tawa sila ng tawa.
Hindi ko na rin napigilang matawa. Habang binebelatan naman ni Evo si Sophie.
"Tss! Eh naaalala mo ba yung mga araw natin noon sa college na madalas tayong magtago dun sa bulok na fishpond ng school Heath? Sino nga bang tinatanaw tanaw natin nun?"
Napatigil ako sa pagtawa sa mga sinabing iyon ni Sophie.
Naaalala ko yon. Ang mga panahon na sobrang head over heels ako kay..
"Ah...si Zar yon di ba?"
Bago ko pa man mapigilan si Sophie, nasabi na nya.
Ang babaeng to talaga!
"A-anong ibig mong sabihin Sophie?" naitanong ni Lemuel matapos ang ilang segundong katahimikan at pagkabigla.
Si Zar, nakatitig lang sa akin at parang wala ding masabi. Di ko nga rin sya matingnan sa mata dahil dun.
"Mommy what's bulok?" tanong ni Evo na hindi maintindihan kung anong pinag uusapan namin.
"Nothing anak. Tita Sophie is just joking about things. Right Tita Sophie?" tanong ko pa kay Sophie gamit ang malalamang mga tingin. Habang pinipisil ko ang legs nya, naka shorts pa naman sya.
"Aray naman Heath! Wag mo kong--" lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko sa legs nya. "Oo na. Tss joke lang eh."
Nagpatuloy ang kwentuhan ng lahat matapos yun. Puro si Sophie ang nagkekwento at ayoko nalang sumingit dahil baka kung ano na naman ang sabihin ng babaeng ito.
Matapos nun, umakyat muna ako sa kwarto para patulugin si Evo. Kahit tanghali, dapat matulog sya para mas madali syang lumaki.
"Okay, now take a nap na anak okay?" sambit ko kay Evo habang pinapahiga na sya.
Tumango lang naman sya habang kinukusot ang mga mata nya, halatang antok na nga. Matapos ang ilang minutong paghele, tuluyan na syang nakatulog.
Mabagal at matahimik akong tumayo palabas ng kwarto ni Evo. Naabutan kong nakaindian seat sa tiles na sahig sina Sophie, Lemuel at Zar, habang may isang bote ng tubig na walang laman ang nasa gitna nila.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...