One Night 42: Man Talk

8K 152 3
                                    

Third Person

“#441 Eastwing St. Maydown, Manila” binasa ni Zar ang address na tinext sa kanya ni Heather. Agad na rin nyang inistart ang kotse nya matapos nyang ihatid si Evo sa school nito.

Bago pa man sya pumunta kay Carlo, dinial nya muna ang number ni Lemuel saka tinawagan ito.

“Hello?” tanong ni Lemuel ng parang inaantok pa.

“Tulog ka pa? Tanghali na bumangon ka na!” saad ni Zar kasabay ng pakanan na pagliko ng sasakyan nya.

“Oo na. Bakit ka ba tumawag?” tanong nito ng may groggy na boses.

“Ikaw muna ang makipagkita sa mga investors nating ngayong araw ah. Hindi kasi ako agad makakaabot.”sagot nito.

“Oh bakit?” napabalikwas sa kamang tanong ni Lemuel. “Zar, importante yun. Kailangan ka dun.” Dagdag pa nito.

“Oo alam ko. Pero may mas importante akong dapat puntahan. Kaya bumangon ka na jan para hindi ka rin malate.”

“Pero Insan—“

“Salamat! Aasahan kita ha! Bye!” bago pa man makapagsalitang muli si Lemuel, pinatay na agad ni Zar ang telepono.

Matapos ang ilang minutong pagmamaneho, tumigil na rin sya sa isang malaking building. Kulay blue ang dating ng kulay ng building, marahil, dahil na rin sa pag reflect ng mga salamin na ginamit nito sa matingkad na sikat ng araw. Ito ang executive building ng FnF company, ang building na pinagtatrabahuan ni Heather ay ang pangalawang branch at operational part lamang ng kumpanya. Bilang executive official ng Fnf, dito nagtatrabaho si Carlo.

“Yes Sir? Anything I can do for you?” tanong ng isang blonde na receptionist mula sa front counter.

“I’m here to see Mr. Carlo Ashton.” Sagot ni Zar in a business like tone.

“Do you have any appointment Sir?” tanong nito.

“No. But tell him that Lazarus Temprosa is looking for him. I’m sure he knows.” Saad ni Zar with a straight serious face pero evident pa rin ang pagiging matipuno nito kahit ganun.

Ilang segundo munang nag alinlangan ang receptionist. Iniisip nya kung tatawagan ba nya si Carlo o hindi dahil nga wala namang appointment si Zar. Gayunpaman, tinawagan nalang nya ang binata direct sa telepono nito.

Isang tawag ang nakapagpaisip kay Carlo ng umagang iyon. Isang Lazarus Temprosa daw ang nasa ground floor at hinahanap sya. Saglit muna syang nag isip kung paakyatin ba nya si Zar. Kahit ganun, inaasahan naman na nya ito, para nga sa kanya, medyo natagalan pa bago sya puntahang talaga ni Zar. Kaya, pinaakyat na rin nya ang binata.

“20th floor Sir.” Marahang ngumiti ang receptionist at minotion si Zar na sumakay ng elevator.

Agad na umakyat si Zar. Iniisip pa rin nya kung ano ba ang sasabihin nya kay Carlo. Kung ano pa man, hindi nya maconstruct ng maayos kung ano ba ang mga unang salitang dapat nyang sasabihin. Dapat ba nya itong batiin muna ng isang magandang Good Morning o dapat nalang nya tanggalin ang kahit na anong kagaguhan at pag usapan agad ang alam naman nilang parehong dapat nilang pag usapan. Hindi parin nakakapag desisyon si Zar kung ano ba sa dalawa ang dapat nyang piliin.

Ang isang malakas na ting ng elevator ang naging indikasyon na nakarating na sya sa 20th floor ng building. Isinantabi na ni Zar ang gumugulo sa isip nya, agad nyang inayos ang damit na suot nya. Bukod pa dun, dala din nya ang kakaibang confidence na hindi naman kahit kelan nawala sa kanya.

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon