Heather Stewart.
“Sophie, kailangan ba talagang ito ang suot ko?” tanong ko kay Sophie habang nakatingin sa repleksyon nya sa salamin na nasa harap namin.
“Yep! Sige nga harap ka sakin, tingnan natin kung maganda na tingnan ang boobs mo.” Iniikot nya ako para humarap sa kanya.
“Sophie, dinner lang yun. Di na kailangan pa ng ganito.” Saad ko.
I must admit. Sophie is an expert. Nagdala sya ng isang knee length sleeveless black dress with small red gems at black stilettos. Sya ang gumawa na aking neatly tied hair, minimal make up and an alluring white skin as how Sophie call it, madaling na emphasize ang figure na sa tingin ko eh hindi kita kapag nakaordinaryong damit ako.
“Yes, dinner in a five star hotel restaurant. Mag ayos ka naman girl.” Sagot nya sa akin kasabay ng pagikot na naman nya sa katawan ko at pag ayos na naman sa likurang bahagi ng dress ko—for the nth time. “Okay, all good and gorgeous.” Declare nya sabay mahinang palo sa pwet ko.
“Sophie…”
“Pop it girl okay?” nakangiti nyang sabi. Natawa at nailing nalang ako. Tong babaeng to talaga!
Mula sa pinto ay dumating si Evo at Lemuel.
“Mommy!!!” pasigaw na tawag sa akin ni Evo. “I don’t want to be with her” sabi nya sabay turo kay Sophie. Medyo lumuhod ako at lumevel sa height nya.
“You will be with Uncle Lemuel, not with her.” Sagot ko saba turo kay Sophie. Nag roll eyes lang naman si Sophie as a sign of disagreement.
Matapos ang ilang minutong pakikipagusap pa, tumayo na rin ako para kausapin munang saglit si Lemuel.
“Tawagan mo nalang ako kapag may problema ha.” Bilin ko dito.
“I hope wala naman.” Sagot nya. “Siguradong magugulat si…mag enjoy ka dun ha?” nginitian ko nalang sya as a sign of agreement.
Isang black ford na kotse ang nag abang sa labas ng bahay ko para ihatid sa restaurant. Napapangiti nalang din ako sa ganda ng mga ilaw na nadadaanan namin. Para akong teenager na nangangarap pa ring maging prinsesa. Nakakatawa lang.
Matapos ang mga tatlumpung minutong byahe, nakarating na rin kami sa Grand Hotel. Ang pillars ng hotel ay parang sa Parthenon. Maliwanag ang mga ilaw dahil puno ito ng mga malalaking chandeliers. Ang kulay nag into at silver ang namamayani din sa bawat mesa at upuan na nakikita ng mga mata ko habang kahit naman sinong staff na makita ko ay nakasuot ng mga maiitim at elegant na tuxedo.
Sa isang mesa sa gilid ng eleganteng kwarto ng restaurant ay nakatayo at nakangiti si Carlo, tila ba kanina pa nya ako hinihintay.
“Kanina ka pa?” nakangiti kong tanong.
“No, just got here.” Sagot nya sabay saglit na yakap sa akin.
Ginuide nya ako para makaupo opposite sa kinauupuan nya. Umikot at umupo na rin sya sa upuan nya.
“I ordered already. I hope you don’t mind?” agad nyang tanong.
“Yes of course. That’s better.” Nakangiti kong sagot.
Ngumiti rin sya sabay snap nya sa kanyang mga daliri. As if para bang binabantayan sya, dumating agad ang waiter hawak ang isang bote ng wine.
“So, what is this all about?” tanong ko matapos umalis ang waiter para kunin ang inorder ng pagkain ni Carlo.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...
