Heather Stewart.
“Daddy!” pareho kaming napalingon ni Sophie ng sumigaw ng Daddy si Evo.
Tumigil ang oras, tumigil bigla ang mga tao sa paggalaw, nakakapangtaka, pati ang puso ko parang biglang tumigil sa pagtibok.
Magkasama na naman si Zar at Louis. So ano to? Reunited na sila? Grabe! Ganyan ba nya kamahal yang Louis na yan para…stop Heather. Stop it!
Binuhat ni Zar si Evo, bumubuka ang bibig nya at para bang may sinasabi sya pero hindi ko talaga naririnig dahil na rin sa layo ng distansya nila sa amin. Baka naman binubulungan na nya si Louis kung ano ang dapat nilang gawin. Baka nga.
Ilang segundo pa ang nakalipas, biglang mabagal na naglakad si Zar buhat buhat si Evo papunta sa pwesto namin. Diretso lang akong nakatingin sa kanya, diretso sa mga mata nya. Hindi ko rin alam kung paano ko yon nagagawa. Madalas kasi na hindi ko sya kayang tingnan ng matagalan ng diretso sa mata pero…para bang nangingibabaw yung inis ko sa kanya ngayon o galit ba to. Hindi ko alam.
“Magpapaliwa—“
“Dalhin mo nalang si Evo sa sasakyan Sophie tsaka ikaw na muna ang magbayad nito.” Agad na singit ko ng magsasalita na si Zar. Ayokong makita sya. Ayokong marinig ang boses nya. At lalong ayokong magpaliwanag sya. Ayoko talaga!
Bago pa man ako makapag isip, impulse na sigurong matatawag o adrenaline rush, agad na akong tumalikod at lumayo sa kanila.
Hindi ko kayang makita na naman si Louis at Zar ng magkasama. Hindi ba talaga nag iisip si Zar? Apat na taon na silang wala nun tapos bigla biglang sila agad. Grabe! Nakakagulat talaga si Zar sa mga desisyon nya.
“Heather!” automatic na bumilis pa ang mga hakbang at lakad ko ng marinig kong tinatawag nya ako.
Wag kang lilingon. Wag kang lilingon. Wag mo syang tingnan Heather. Pati tuloy ako nababaliw na kakakausap sa sarili ko.
“Mommy!” bago pa man ako makarating sa sasakyan ko, narinig ko na ang tawag ni Evo. Agad akong napatigil. Kung si Zar pwede kong baliwalain, si Evo hindi.
Agad akong lumingon at humarap sa kanila. Yung balahibo ko, nagsisitaasan talaga tuwing nakikita ko si Zar.
“Didn’t you hear us Mommy? We were—“
“Una na kami Zar.” Agad kong sabi. Kukunin ko na sana si Evo mula sa pagkakabuhat ni Zar pero inilayo ni Zar si Evo.
“Hatid ko na kayo. Nandun lang naman yung kotse ko.”
“Zar hindi na.” pilit ko ng hindi tumitingin sa kanya.
“Heather..”
“Come on Mommy, let’s just go with Daddy.” Udyok ni Evo.
Napapikit at napabuntong hininga ako. Hindi ko pwedeng ipakita sa bata na may problema kami ni Zar, matanong pa naman to. Mahirap na.
“Okay Sige.” Simple kong sagot.
Mula sa peripheral view ko, nakita kong ngumiti si Zar. Agad nyang ibinaba si Evo sabay takbo sa alam ko’y pinagparadahan nya ng kotse nya. Ilang minute lang ang lumipas, bumalik na sya habang minamaneho ang sasakyan nya. Agad kong binuksan ang passenger seat para makapasok na kami ni Evo.
“Dito ka na sa harap Mommy. Hayaan na natin ang baby natin jan sa likod.” Biglang sabi ni Zar bago pa man ako makapasok sa loob. Halata sa boses ni Zar na nakangiti sya. At sinusubukan nya talaga ako ah.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...