Heather Stewart.
“Heath ano ba! Ano bang ginagawa natin dito?” tanong ni Sophie ng tumigil ang sasakyan namin sa tapat ng bahay ni Louis, buti nalang natatandaan ko pa to.
“Kamustahin natin sya. Curious ka rin naman di ba.” Sagot ko ng parang wala lang pero ang totoo nyan ay may halong kaba na rin akong nararamdaman.
“Kaloka kang babae ka talaga! Feel na feel mo talagang mag ala spy eh noh.” Sambit nya habang halatang hindi mapakali.
Tumunog ang cellphone ni Sophie, indikasyon na may tumatawag sa kanya pero sa halip na sagutin, pinatay nya muna iyon.
“Pag tayo may nangyari satin dito ah. Kita mong baliw baliw na nga yon.” Saad ni Sophie matapos nyang patayin ang cellphone nya.
“Hindi yan. Expert ka naman sa self defense di ba.” Biro ko pa.
“Ewan ko sayo. Tara na nga!” yaya nya kasabay ng pareho naming pagbaba sa kotse ko.
Kakaiba na ang dating ng bahay nila Louis. Kung dati, napakasosyal ng dating nito dahil na rin sa laging bagong pintura ang bahay, magaganda ang paglago ng bulaklak sa gate at bakuran nila at sa kabuuan lang na itsura ng bahay halatang high maintenance ito, sosyal at maayos talaga ang dating. Pero, halatang nag iba na ngayon. Para na itong isang haunted house na matagal ng hindi napupuntahan at napabayaan na.
“Bukas ba yung cellphone mo?” tanong sakin ni Sophie bago kami tuluyang pumasok. “Buksan mo ah, isilent mo lang.” dagdag pa nya.
Chineck ko ang cellphone ko sa bulsa.
“Oo nakasilent lang.” sagot ko naman. “Wag ka ngang kabahan ano ka ba!” udyok ko pa.
“Ikaw kaya!” sagot nya.
Hindi ko nalang yun pinansin at tuluyan na kaming pumasok sa gate. Bukas naman kasi ito, sa pinto nalang kami kakatok.
“Sigurado ka na ba dito? Pwede pa tayong tumakbo.” Bulong ni Sophie habang naglalakad kami papunta sa pinto. Para bang ang layo nito pero ang totoo naman ay napakalapit din lang.
“Ssh, wag ka maingay.” Sagot ko. Nanahimik naman sya.
Isang malalalalim na buntong hininga ang pareho naming pinakawalan ng makarating na kami sa tapat ng pinto. Kung totoong may mental disorder na si Louis, maaaring delikado na nga sya sa paligid ng mga tao. Kaya sobranngggggg kinakabahan talaga kami ngayon. Haaay tama nga sila. Curiosity kills! Tsk tsk!
Tatlong katok ang pinakawalan ko matapos ang ilang segundong pag aalinlangan. Nagkatinginan pa kami ni Sophie ng gawin ko yon. Kakatok muli sana ako ng biglang bumukas ang pinto, pareho kaming nagulat sa biglang pagbukas nun.
Pero ang mas nakakagulat sa lahat, ay ang imahe ni Louis sa tapat ng pinto habang may hawak na kutsilyo. Dahil na rin sa impulse, agad kaming napaatras ni Sophie, sabay na sabay pa.
“Oh, anong ginagawa nyo dito?” tanong nya habang nakataas ang kutsilyo.
“Sabi sayo Heath eh baliw na yan. Tara na!” bulong sa akin ni Sophie pero rinig na rinig naming tatlo.
“Anong baliw ang pinagsasasabi mo jan?” tanong ni Louis sabay lapit sa amin pero napaatras kami agad.
“Ah Louis…uhm, wag mong ilapit yung kutsilyo. Ibaba mo yan please.” Sambit ko ng finally ay mahugot ko rin ang mga salitang dapat kong sabihin.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Novela JuvenilInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...