Heather Stewart.
“And they live happily ever after..” rinig kong basa ni Zar sa libro ni Cinderella.
“Daddy, why do girls like this book? It is so…baduy, as how they call it.” Tanong naman ni Evo.
“That’s why I told you not to push me reading this. Stories like these are not for the boys” Natawa ako sa sagot ni Zar. Umiling iling pa sya na para bang ayaw nya talaga sa storya ni Cinderella.
“Yeah, I guess I should have listened.” Sagot naman ni Evo na parang gusto na itapon ang libro sa expression ng mukha nya.
Napailing nalang ako at napangiti sabay tuluyang pumasok sa kwarto ni Evo.
“Okay tama na yan. May pasok ka pa bukas Evo.” Saad ko habang papasok sa kwarto at papunta sa kama ni Evo kung saan sya nakahiga at nakaupong katabi naman si Zar.
“Okay..” sagot nya sabay lukot sa mga mata nya na parang inaantok na nga sya.
Tumingin at nginitian lang ako ni Zar. Nginitian ko rin lang sya.
Tinulungan ni Zar na pahigain si Evo, kinumutan nya ito saka mahinang pinat ang katawan nito para makatulog.
Matapos ang ilang minuto, tuluyan ng nakatulog si Evo. Matahimik na tumayo si Zar at pareho kaming dahan dahang lumabas ng kwarto ni Evo.
“Salamat sa pagpapatulog kay Evo.” saad ko kay Zar ng maisara na nya ang pinto ng kwarto.
“Dapat naman talaga ginagawa ko yun.” Sagot nya sa akin ng nakangiti.
Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa statement nya na yun. Pinili ko nalang tuloy na ngitian sya.
“So, ingat ka nalang sa pag uwi mo ha.” Pag iiba ko nalang ng usapan.
Pinangsingkitan nya ako ng mata, umiling iling sya habang may nakatagong mga ngiti sa mga labi nya. Pinansingkitan ko rin tuloy sya ng mata, para bang binabasa ko ang iniisip nya pero hindi ko alam kung ano ba talaga yun.
“Pwede bang hindi muna ako umuwi?” tanong nya matapos ang ilang segundo.
“Huh? Bakit naman? Hindi pwede noh!” nagtataka kong tanong.
“May gusto kasi akong…tanggalin.” Sagot nya na para bang hinanap pa nya ang tamang salita sa sasabihin nya.
“Tanggalin? Ano naman yun.” Tanong ko ulit ng hindi maintindihan ang pinupunto nya.
Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Agad naman akong napaatras pero lumapit parin sya sa akin.
“Gusto ko tong tanggalin.” Sagot nya kasabay ng paglagay nya ng kamay nya sa dibdib ko. “Doubt. And. Jealousy.” Saad nya ng may mapupungay na mga mata at may itinatagong mga ngiti. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko sa mga galaw nya na yon. “Kailangan natin tanggalin ang doubt and jealousy sa puso mo Heather. Hindi tayo makakabuo ng pamilya kung ganyan ka Mommy.”
Napalunok lang ako sa sinabi nya.
“Ano bang…ano bang sinasabi…mo jan.” nag stustutter kong tanong.
Agad syang lumayo sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko sabay higit sa akin.
“Mag usap tayo.” Sagot nya. “Pero…dun tayo sa kwarto mo.” Ngumiti pa sya ng nakakaloko bago nya ako tuluyang hinigit papunta sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
किशोर उपन्यासInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...