Third Person.
Kinabukasan matapos ng araw na iyon, agad na sinabi ni Sophie ang nalaman nya tungkol sa bar, sa drugs. Ikinagulat ni Heather ang lahat pero, ano nga bang magagawa nya? Hindi naman nya masisisi pa ang crew ng bar dahil para sa kanya, natural lamang na nagkamali ito, lalo pang alam nyang hindi naman ito sinasadya ng crew. Dahil din sa nalaman nila, tuluyan ng pinilit ni Sophie na kalimutan nalang ang inis nya kay Zar, tutal, wala rin naman palang kasalanan ito sa nangyari. Alam namang nyang pagdating sa drugs, maraming bagay ang nagagawa ng isang tao, mga bagay na hindi nila alam.
Sa kabilang banda, pinili na lamang na manahimik ni Lemuel sa pangyayari, pinil na lamang na nya na hindi sabihin ang tungkol sa drugs sa pinsan nya. Alam nya kasing hindi pa kaya ng pinsan nya ang tanggapin ang pangyayaring iyon at natatakot din sya na baka kapag nalaman nya ang pagkakamali ng crew, baka may magawa pa itong hindi dapat. Isa pa, alam nyang nag aadjust pa si Zar sa hiwalayan ni Louis.
Isang buwan na rin ang nakakalipas simula ng mga rebelasyon, katotohanan, hiwalayan at pagkakamali nilang lahat.
Si Louis, pangalawang araw palang ng hiwalayan nila ni Zar, may bago na agad sya. Boyfriend nya agad yung Basketball Captain na si Marcus.
Si Lemuel at Sophie, hindi na sila nagkita pang dalawa matapos ng nalaman nila. Wala namang galit silang nararamdaman sa isa’t isa pero bigla nalang naputol ang kanilang pagkikita.
Si Zar, napapabayaan na nya ang pag aaral nya. Madalas din syang pumapasok ng lasing o nagdadala ng alak sa loob ng school. Minsan nahuhuli sya kaya ilang beses na syang labas pasok sa guidance office. Minsan din naman, magaling syang magtago kaya nakakalusot sya.
Si Heather, di nya sinabi sa tatay nya ang nangyari sa kanya. Okay naman sana. Pinili nya sa sarili nya na kalimutan na lang ang lahat ng nangyari. Di na rin nya masyadong sinusundan si Zar ng tulad dati. Takot parin sya sa kayang gawin nito pero....pinaglalaruan ata sila ng tadhana...
"Oo Sophie...oo nga eto na. Hawak ko na, napaprint ko na. Ang praning mo masyado. Haha! Don't worry okay?!...ok ok. Sige. Oo na, I hate you too!!" at pinatay na ni Heather ang telepono nya.
*Crack..
Isang tunog ng kung ano nabasag ang kumuha ng atensyon ni Heather. “Ano yon?” isip isip nya.
* Crack...Crack....Crack...
Nasundan pa ito ng ilan pang pagkabasag. Dala na rin ng curiosity...sinundan nya ang lugar kung saan nanggagaling ang mga pagbasag na iyon. At laking gulat nya ang nakita nya.
"Zar..." tawag nya dito sabay lapit. Nakaupo ito sa sementong sahig na halos nakahiga na nga. Nakasandal ang likod nya sa pader habang hawak sa kanang kamay nya ang isang bote ng alak. Meron ding ilang basyo pa ng alak dun at ilang mga basag na nga. Nagdurugo na din ang mga kamay nya. Dala na siguro ng mga bubog mula sa mga bote. Malakas na ang tama ni Zar. Lasing na lasing na ito.
"Ano bang nangyari sayo?" nag aalalang sambit ni Heather sa binata kasabay ng paglabas nya ng isang floral na puting panyo at inilalagay ito sa nagdurugong mga kamay/kamao ni Zar.
"Mm-Hmmm" ungol ni Zar. Sa totoo lang, hindi na nya alam ang ginagawa nya.
"Tara nga...tumayo ka..." sambit ni Heather kasabay ng pag alalay nya ritong tumayo.
"AYOKKOO!!" sigaw ng binata kasabay ng pagpumiglas nya sa hawak ng dalaga sa braso nya. Malakas ang pagpumiglas na iyon dahilan para mapaupo pa tuloy sya.
"Aray naman..." nasabi na lang ni Heather habang hinihimas ang likurang bahagi nya na tumama sa sahig.
"Hahaha!!! Ang saya neto! Iniwan nya ko!! Hahaha!!" wala sa ulirat na sambit ni Zar at napaupo na nakasandal sa pader na syang tuluyan.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...