Third Person.
Mabilis na tibok ng puso at malalamig na pawis, ganyan ang pakiramdam na paikot ikot na dumadaloy ngayon sa katawan ni Heather habang palakad sya at palapit na palapit na papunta sa restaurant na pagkikitaan nila ni Zar. Kung ano anong bagay ang tumatakbo sa isipan nya ngayon. Mga bagay na hindi nya alam kung ano ba sa kanila ang pwedeng mangyari.
“Ano kaya ang magiging reaksyon ni Zar kapag nalaman nyang nagka-anak kami?”
“Matanggap kaya ni Zar si Evo”
“Siguradong magagalit sya sa akin..”nagtapos ang pag-iisip nya sa ganung konklusyon.
“Sophie, ayoko na..” tumigil si Heather sa paglalakad kasabay ng paghigit nya sa braso ni Sophie ng bubuksan na nito ang pinto ng restaurant.
“Heath, nandito na tayo. Ngayon ka pa ba—“
“Hindi ko talaga kaya Sophie. Tara na!” hinigit nya ito sa braso pero mabilis itong hinila pabalik ni Sophie.
“Makinig ka nga sakin Heather.” Hinawakan ni Sophie si Heather sa magkabilang balikat. “Nandito na tayo, uulitin ko na naman ba yung mga sinabi ko sayo kahapon? Naririnig mo baa ng boses ko? paos na ko kakapaliwanag sayo tapos aalis ka lang?” pagpapaliwanag nito ng may napapaos ng boses.
“Pero Soph—“
“Heath, pumasok na tayo sa loob. Sabihin mo kay Zar ang mga dapat nyang malaman at ako mismo ang sasapak sa lalaking yun kapag nagalit sya sayo.” Pag-assure ni Sophie kay Heather.
Napapikit si Heather ng mata. Gusto naman talaga rin nyang sabihin kay Zara ng lahat, ang tungkol kay Evo. Sa loob ng nakaraang apat na taon, araw araw syang binabagabag ng kunsensya nya sa hindi pagsasabi kay Zar ng tungkol kay Evo. Noon pa man, alam nyang darating talaga ang araw na ito, na maghaharap sila at pag-uusapan si Evo. Pero, mahirap lang talagang harapin para sa kanya ang sitwasyong ito lalo na’t hindi nya alam ang posibilidad ng mga pwedeng mangyari.
“Sige na nga..” pilit na sambit ni Heather kahit alam nyang tila ba sasabog na ang puso nya sa bilis ng tibok nito at sa kaba.
Ngumiti at nag nod lang naman si Sophie habang sinamahan ang kaibigan na pumasok sa restaurant.
Ilang lakad pa, natanaw na ng paningin ni Heather at Sophie ang dalawang lalaking nakaupo malapit sa bintana. Nag-uusap ang magpinsang Lemuel at Zar.
Ng mapalingon si Zar sa direksyon nila Sophie, agad syang napatayo gayundin ang pinsan nitong si Lemuel.
“Babe!” agad na sinalubong ni Lemuel si Sophie.
“Isa pang babe may paglalagyan ka sakin.” Pag wawarning ni Sophie sa boyfriend nya na parehong ikinatawa lang ni Zar at Lemuel.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Ficção AdolescenteInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...