One Night 45: Intentions Revealed

7.8K 147 2
                                    

Third Person

Agad na binuksan ni Sophie ang pinto ng opisina ni Carlo. Hindi na sya kumatok pa o tumawag man lang na pupunta sya. Mabuti nalang at automatic na syang pinapaakyat sa opisina nito dahil kilala na rin naman sya ng mga sekretarya at guwardiya sa building at dahil na rin sa provision ni Carlo na agad payagan si Sophie sa opisina nya.

“Woah! Do you even know how to knock? You startled me.” Gulat na saad ni Carlo ng biglang bumukas ang pinto ng opisina nya.

“5 missed calls.” Saad ni Sophie habang nakataas ang cellphone nya habang naglalakad palapit sa table ni Carlo. “Talo mo pa ang boyfriend ko ah. Sya wala man lang missed call sakin. Bakit? May importante ka bang sasabihin?” tanong nito sa kanya.

“Well…” tumayo si Carlo mula sa kinauupuan nya. Sinusundan naman ng tingin ni Sophie ang bawat galaw ni Carlo. “There was a progress in your plan and I think…this is the end of it and should be said successful.” Nakangiting pag inform ni Carlo kay Sophie.

“What do you mean? Pumunta dito si Zar?” na-eexcite na tanong ni Sophie. “Kelan? Anong sinabi nya? Convincing ba?”

“He was here early this morning and yeah…he was pretty convincing.” Patango tango pang sagot ni Carlo habang inaalala ang naging behavior ni Zar kanina.

“Convincing? Ginawa mo naman ba ang homework mo?” tanong ni Sophie ng may halo pang pandududa.

“Yeah. I pissed him off. Big time.” Sagot ni Carlo ng may malolokong ngiti.

“Oh eh anong reaksyon nya?” curious na tanong ni Sophie.

“He asked me to let Heather go. And he said that as he keeps himself from punching me.”

“Weh? Self control? Pano mo naman nalamang nag self control si Zar.” Nagtatakang tanong ni Sophie.

“Because I’m a guy Sophia. Simple as that.” Sagot ni Carlo na parang iyon ang obvious na sagot sa tanong ni Sophie.

Hindi intensyon ni Sophie ang manira ng buhay ng mga tao. Lalo pa ng kaibigan nya. Hindi rin naman nya balak manira ng taong alam nya ay kahit papaano ay nag eexert ng effort para makuha ang kaibigan nya. Kilala ni Sophie si Zar. Alam nyang sincere at honest na tao ito. Pero minsan, misleading din. Minsan kasi, madalas pa, naguguluhan lang ito sa sitwasyon o hindi pa nya alam kung ano ba talaga ang dapat nyang maging desisyon. Alam nya dahil pareho din sila ng pinsan nyang si Lemuel. Gumagawa ng mga desisyon tapos nagkakaron ng regrets. Isa itong bagay na ayaw ni Sophie na mangyari kay Zar at Heather, yung maisip nila isang araw na mali pala ang naging desisyon nila na piliin ang isa’t isa. Kaya dapat, sigurado ng talaga.

Sa kabilang banda, hindi naman intensyon ni Carlo na pumasok pang muli sa isang magulo ng eksena. Noon pa man, hindi naman nya tiningnan si Heather bilang isang taong kaya nyang ipilit sa kanya. Kung kaibigan lang ang kayang ibigay sa kanya nito, maluwag nya yung tatanggapin sa puso nya. At matagal na nya yung natanggap. Para sa kanya, ang mga kaibigan ay dapat na nagbibigay ng security. At yon ang ginagawa nya, ang ilagay si Heather sa isang sitwasyon kasama ang isang secured at tamang tao na mamahalin sya sa kahit na ano pa mang aspeto ng pagkatao nya.

Ang plano sa dinner ay plano ni Sophie at Carlo na napasama lang si Lemuel na nakakaalam nito. Ito ay hindi para guluhin si Heather at Zar kundi para ipush si Zar sa hangganan nya. Para mahanap nya kung anong relasyon ba talaga ang gusto nya kasama si Heather kapag may maaaring kumukuha na ditong iba. Pero ang lahat ng iyon ay para lang tulungan sila.

Sincerity, honestly, faithfulness and assurance. Naniniwala si Sophie na kung hindi nya iyon makikita kay Zar bilang isang outside audience sa kanilang dalawa ni Heather, paniguradong hindi sila magiging matagumpay sa love story nila.

Assurance. Yun nalang ang hinihintay ni Carlo at Sophie kay Zar. Isang assurance na nagpapakitang kaya na nyang bumangga sa kahit na anong pader para lang makasama si Heather. Ngayong nakita na nila yon, marahil oras na para tulungan silang pagtibayin pa ang pagmamahal na meron sa pagitan nilang dalawa. Kahit pa alam nila na sa kasalukuyan, si Zar palang ang nakakakita nun at nagbubulag bulagan pa si Heather.

“Huy kinakausap pa kita. Sino ba yang nag text sayo?” nakasingkit mga matang tanong ni Sophie kay Carlo habang nag tetext ito.

“My girlfriend.” Simpleng sagot ni Carlo habang malalaki ang ngiti nito habang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone.

“Wushu! Eh kelan ko ba makikita sa personal yang si Mary ha? Baka mamaya nag SOP na kaya dyan ha.”

Marahang iniangat ni Carlo ang ulo nya mula sa pagtingin sa screen ng cellphone.

“What is SOP?” tanong nito.

Tiningnan sya ni Sophie ng may seriously-hindi-nya-alam-yon look.

“Wala wala. Ipagpatuloy mo lang yan.” Sagot nalang ni Sophie.

Muling napatingin si Carlo kay Sophie ng tumayo ito at dalhin na ang bag nya.

“Oh, your going already?” tanong nya sa dalaga.

“Oo. OP naman kasi ako sa inyo ng cellphone mo.” Sagot nya dito with a playful smile.

“It’s getting dark. Do you want me to ask someone to accompany you?”

“Ah No, hindi na. Papasundo nalang ako kay Lemuel. Mabilis naman yun pag tinatawagan eh.” Sagot ni Sophie.

“Oh okay. Just be careful on your way home.” Dagdag pa ni Carlo.

“Okay, bye!” paalam ni Sophie.

“Bye!” sagot naman ni Carlo.

Bago pa man tuluyang makalabas si Sophie ng opisina ni Carlo, tumigil muna ito at lumingon.

“Ah Carlo..” tawag nya sa binata.

“Yeah?”

“Ako ng kakausap kay Zar.” Nakangiting saad ni Sophie sa kanya.

“Yeah. Text or call me. Now be good to him. And explain my side. I don’t want to have another bruise on my face next thing I see him” Paalala pa ng binata ng nakangiti.

“I am always good.” Natatawang at palabirong sagot ng dalaga. “But don’t worry, ako bahala.” Dagdag pa nya.

Matapos nun, agad ng lumabas ng building si Sophie. Dala dala nya ang intensyong makausap si Zar.

At ang mga plano nya…para tulungan ito.

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon