Heather Stewart.
“Heather..” malalim ang pinanggagalingan ng boses ni Zar. Isang salita lang. Mahinang tawag sa pangalan ko pero nakakapanaas balahibo ang mga salitang iyon. Iba talaga ang epektong dala nya sa akin.
Lalong humigpit ang hawak nya sa kaliwa kong kamay. Warm ang mga kamay nya, sa laki rin ng kanyang mga kamao, napakaliit tuloy ng mga kamay ko habang hawak nya ang mga ito. Mapupungay at diretso lang ang mga tingin ni Zar sa akin, para bang nagmamakaawa sya. Ayokong makita sya sa ganung lagay. Ayoko.
**
1 day earlier…
“Ayoko.” matigas at mabilis na sagot ko kay Sophie matapos ang isang buntong hininga. Nagtatrabaho ako dito tapos nanggugulo na naman sya.
“Pero Heath! Bakit ba ayaw mo?” kanina pa nya tinatanong yan at kanina ko pa sya sinasagot. Paulit ulit nalang kami sa proseso.
“Wala ako sa mood Sophie. Si Lemuel nalang ang yayain mong mag dinner, bakit ba kanina mo pa ako pinipilit?” mula sa pagtytype ay saglit kong inangat ang ulo ko para tingnan sya saka muling ibinalik muli ang mga tingin ko sa monitor.
“Dahil marami akong pera at gusto kong ilibre ka sa isang five star hotel restaurant. Anong masama dun?” mula sa peripheral view ko ay nakita kong tumayo si Sophie at palapit sa pwesto ko.
“Sophie—“
“Sige na Heath! Masisira ang plano nung kano mong kaibigan pag hindi ka pumayag!” agad akong napatingin kay Sophie sa mga sinabi nya.
“Sinong kano?”
“Edi si Ashton. Duh?”
“Hmm? Bakit? Anong meron?” tanong ko ng sobrang nagtataka. At kelan pa naging “close” din ni Sophie si Carlo? Nakakapang taas kilay yun ah.
“Gusto nyang mag dinner kayo sa isang five star hotel restaurant. Hiningi nya ang tulong ko para isurprise at mapapayag ka. At bago ka pa man magtanong, sinasabi ko to sayo dahil mag iisang oras na ako dito at parang ayaw mo pa pumayag. May importante pa akong pupuntahan noh. Imma buzy person ya know.”
Napanganga nalang ako sa bilis nyang magsalita at sa pagiging…blunt nya. Well, common Sophie.
“Bakit daw? Pwede namang—“
“Oh geez! Wala na daw kasi kayong panahon para sa isa’t isa. Halata namang gusto ka nun, hindi pa ba obvious sayo? At!” tumingin muna sya sa orasan nya bago muling nagsalita. “kailangan ko na umalis dahil may pupuntahan talaga ako. Eto yung details kung saan kayo magkikita bukas. Alis na ako ha! Bye” agad syang tumalikod matapos ibigay sa akin ang isang pirasong papel.
“Ah!” bago pa man makalabas si Sophie ay lumingong muli ito sa akin. “Dapat daw surprise to. Umarte ka nalang na nasurprise ha. Bye!” at tuluyan na syang lumabas ng pinto ng hindi man lang ako nakapagsalita ng kahit isang matinong sentence.
Inilipat ko ang mga tingin ko sa piraso ng papel na hawak ko.
Tomorrow (Saturday). 8pm. The Grand Hotel.
Si Sophie talaga! Pupunta ba ako o hindi? Siguradong sasabihin nun kay Carlo na pumayag ako.
Wala lang talaga ako sa mood. Haay! Mamaya ko na nga lang pag iisipan.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...