Heather Stewart.
“W-what?” nauutal at nabibigla kong tanong.
“You heard me right.” Pinunasan ni Daddy ang gilid ng bibig nya gamit ang tissue. “We are going back to New York.” Seryoso nyang pag uulit sa sinabi nya kanina habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
“W-what…No. What are you talking about?” tanong ko habang medyo tumaas na ang boses ko. Hindi sya pwedeng mag desisyon ng ganito. Hindi pwedeng interes lang nya ang masusunod.
“What do you mean what am I talking about? I am trying to help you here Heather. I am trying to get you out of here because this environment is definitely not good for you and Evo.” Bulyaw nya sa akin.
Mabilis na akong tumayo mula sa pagkakaupo ko saka pilit na nag iisip.
“This is for the sake of you and Evo, Heather.” Para bang udyok pa ni Daddy.
“Tay, there is nothing wrong with this environment.” Sagot ko naman sa kanya. “Why can’t you understand that the things happening between Evo, me and Zar is something…something…I have dreamt about even before.”
“Dreamt about? You have dreamt about your son knowing that asshole?” hindi nya makapaniwalang tanong.
“Please Tay don’t call him that. We both screwed up that night and you know that.” Pagpapaalala ko sa kanya.
“Don’t start with this Heather.” Seryoso at mukhang inis nyang sabi. “You did not saw yourself while suffering from all of those, I did! You might be willing to allow yourself to be in that situation but sorry for you, I am not. I am here to protect my daughter.”
Napabuntong hininga ako sa mga sinabi ni Daddy. Eto yung mga pagkakataong alam na alam kong pinoprotektahan lang nya ako sa lahat. Totoo yon, hindi nya ako pinagalitan ng sobra sobra ng malaman nyang buntis ako. May panghihinayang at disappointment syempre pero lagi nyang sinasabi na nangyari na yon. Na kailangan na naming mag move on. Ang makita ko ang tatay ko na ganito, para bang ako pa ang nagtataksil sa kanya, sa mga desisyon nya, masakit din to para sa akin bilang anak.
“Tay where are you going?” pabuntong hininga kong tanong ng kunin nya ang susi ng sasakyan ko sa sabitan nito sa gilid.
Hindi nya ako pinansin sa tanong kong yon. Nagdirediretso lang sya palabas at pasakay sa sasakyan ko. Naiwan ako dun na naguguluhan na naman.
Parehong importante sa akin ngayon ang Daddy ko at si Zar pero, sino nga bang mas matimbang at dapat kong kampihan?
**
Third Person.
“Welcome to Sophie’s Bake—“ agad na napatigil si Sophie sa pagsasalita ng makita nya kung sino ang pumasok sa bakeshop. “T-tito. Uhm, Hi, what are you doing here?” naguguluhang tanong ni Sophie kasabay ng pagkunot noo rin nya.
“Hello Sophia. I want you to help me.” Seryosong pananalita nito. “Could you help me?”
“S-sure. I mean, as long as I can, I will.” Sagot nya ng medyo nag aalinlangan pa. Ano ba ang kailangan nya isip isip ng dalaga.
“Could you bring me to that guy?” madiin na tanong nito.
“What Guy?” tanong ni Sophie. Agad syang kinabahan sa hinihininging pabor na ito ng daddy ni Heather.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...