Heather Stewart.
“This is so damn disappointing Heather. Why did you do this?” nakakunot noo, close fist at galit na galit na saad ni Daddy ng iconfirm ko na ang suspetya nya.
“Ta—“
“When did it start? Is this your plan when you move back here? To contact him and allow him to see my grandson?” sunod sunod at nagpipigil galit nyang tanong.
“No. Of course not. I did not ever plan to this. It was an accident, a long story to tell how we run into him but I never had the intention to meet him. But anyway, he is the father of my son and he has every right to—“
“No Heather. Don’t talk about rights right now. That bastard do not deserve to see my grandson.” Pabalik balik na naglalakad si Daddy na para bang pinipigil nya ang sarili nyang sobrang itaas ang boses nya. Matatalas na rin ang mga tingin nya sa akin na para bang malaking pagkakasala itong ginawa ko sa kanya. Na para bang pinagtaksilan ko sya.
“Would you just please let me properly explain the situation before you throw me with so many questions?”
“What is there to explain the situation Heather?” tumaas na ang boses ni Daddy kesa sa usual. “No. Let me think about this first and we’ll properly talk about this tomorrow.” Halata ang pilit nyang pagpapakalma sa sarili nya. Ayaw na ayaw ni Daddy na sinisigawan ako, lalo na’t ayaw nya ring sinisigawan nya ako kaya paniguradong nabigla din sya sa nagawa nya.
“I’m sorry.” Alam kong disappointed si Daddy sa akin. Kahit naman siguro sinong ama kung ganito ang ginawa sa kanya, manghihinayang at magagalit talaga.
Tiningnan ako ni Daddy saka sya bumuntong hininga. Halata ang pagpipigil nya ng inis sa akin. Matapos nun, naglakad sya papunta sa kwarto nya, isinara ng pinto at wala ng sinabi pa.
Ng gabing yon, wala akong nagawa kundi ang magpaikot ikot sa kama ko. Hindi matanggal sa isip ko kung ano bang pwedeng mangyari kinabukasan.
2am na pero hindi parin ako makatulog. Patuloy parin ang mabilis na pagtibok ng puso dahil sa sobrang kaba kung ano ang pwedeng gawin ng daddy ko, kung ano ang sasabihin nya bukas.
Sa sobrang uneasiness na nararamdaman ko, wala na akong nagawa kundi tawagan ang isang taong makakausap ko sa mga ganitong sitwasyon.
Si Sophie.
Mabilis akong umupo mula sa pagkakahiga at dinial ang number nya. Matagal bago nya sinagot ang telepono, siguro tulog na kasi sya.
“Sino ba to? Kita ng natutulog yung tao eh!” mabilis nyang bulyaw sa akin ng sagutin nya ang telepono.
“Ako to Sophie.” Sagot ko.
“Ha? Sino?” parang siga nyang sigaw sa akin.
“Si Heather. Wag ka nga sumigaw.” Sagot ko ng pabulong sa kanya pero may mas madiin na tono.
Ilang segundo muna ang lumipas bago nya ako muli kinausap.
“Ah, Heath ikaw pala yan.” Mas kalmado nan yang sagot. Kanina ko pa sya kausap, ngayon lang nya nalaman? Tsk tsk. “Pasado alas dos na. Bakit ka ba kasi napatawag?”
“May problema kasi ako.” sumbong ko sa kanya.
“Talaga? Bukas na natin pag usapan yan.” Narinig ko pa ang pag yawn nya.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...