Third Person.
Walang salita ang makakapag describe sa excitement na nararamdaman ngayon ni Zar. Hindi nya alam kung ano ba ang gagawin nya ang anak nya, si Heaven, napakaganda ng pangalang binigay ni Heather sa anak nila.
Sa kabilang banda, napalitan naman ng kakaibang klase ng kaba ang nararamdaman ni Heather. Kaba sa magiging reaksyon ng anak nya kapag pormal na nyang ipapakilala si Zar. Hindi naman sa hindi kilala ni Evo si Zar. Tulad nga ng nasabi na nya, kilala na ni Evo si Zar, masyado lang syang nabibigla sa bilis ng mga pangyayari na gusto na agad makilala at makita ni Zar si Evo. Kinakabahan lang sya sa pwedeng maging reaksyon ng anak nya.
“Heather..” napalingon si Heather kay Zar.
“Ha?”
“Uhm, kanina pa kita tinatawag.” Pabalik balik ang tingin ni Zar sa daan at kay Heather.
“Ah sorry, ano bang sinasabi mo?”
“Nag-iba na yung tanong ko.” nakangiti syang tumingin kay Heather bago ibinalik muli ang paningin nya sa daan.
“Talaga? Ano ba yung mga tanong mo?”
“Well, tinatanong ko kanina kung ano ba ang paboritong pagkain ni Evo pero nagbago na sa tanong na, anong iniisip mo?”
“Ha?”
“Kanina pa kasi malalim ang iniisip mo. Ano ba yun?” medyo nag hehesitate si Zar na tanungin si Heather. Lalo pa’t alam naman nyang hindi pa sila ganun kakomportable ni Heather sa isa’t isa.
“Uhh..well, iniisip ko lang si…Evo.”
“Oh? Anong tungkol sa kanya.”
Ilang segundong pinag isipan ni Heather kung sasabihin ba nya. Well, ito naman ay bagay na hindi lang tungkol kay Evo pero tungkol na rin kay Zar.
“Uhm, naisip ko lang, baka kasi gutom na sya. Parang late na kasi tayo.” Pagpapalusot ni Heather. Nangibabaw ang kahiyaan nya na malaman ni Zar na may pangamba parin sya sa ugali ni Zar at sa pagkikita nila ni Evo.
“Ah ganun ba. Ano bang paboritong resto ni Evo? Kumain muna tayo pagkasaundo natin sa kanya.”
“Sige.” Tipid na sagot nalang ni Heather kay Zar.
Matapos ang ilang minuto, nakarating na rin sila sa school ni Evo. Ramdam ni Zar na parang naiilang si Heather sa kanya, at hindi nya alam kung paano ba ito maaalis sa kanya. Syempre, mula noong nakaraang apat na taon, wala namang ginusto si Zar kundi ang maayos ang lahat sa kanila ni Heather.
Gustong gusto nyang maging kaibigan si Heather. Noong una, ayaw nya sa maingay na si Sophie at hindi nya maintindihan kung bakit ba ito nagustuhan ng pinsan nyang si Lemuel pero habang lumilipas ang mga araw, naintindihan nya rin ang pinsan nya.
At sa realization na iyon, para bang gusto nya ring makilala si Heather ng katulad ng ganun. Malakas ang pakiramdam nya na malaki ang nasayang nya sa nakaraang apat na taon. Pero, kahit alam nyang naiilang si Heather, pinili nya munang manahimik at hayaan muna ang lahat, tutal, kailangan pa nya munang makilala ang anak nya.
Naglalabasan na ang mga bata ng makarating sila sa school.
“Sakto lang pala tayo.” Naibulong ni Heather.
Matapos ang ilang minuto, nauubos na ang mga batang lumalabas. Unti unti ng napapakunot ang noo ni Heather.
“Uhm, wala pa ba si Evo?” nagtatakang tanong ni Zar ng mapansing wala pang Evo na lumalabas sa school.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Novela JuvenilInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...