One Night 44: Dangerous Adventure part 2

7.2K 160 2
                                    

Heather Stewart.

“Dahil mali sya. Hindi ako baliw.” Sagot nya. “Baliw na baliw.” Dagdag pa nya at mula sa ibabang bahagi ng maliit na table na nasa harap namin ay inilabas nya ang isang kutsilyo at itinusok iyon sa sofa.

Agad kaming nabigla at napaatras sa upuan ni Sophie. Halatang pareho kami na tinakasan ng mga matinong ulirat namin.

“Louis, mag usap tayo. Hindi kailangang ganito.” Agad na pananalita ko.

“Oo nga. Kahit impakta ka, sige tutulungan ka namin.” Sabat naman ni Sophie. Nature na nya talaga ang ganung pananalita kaya wala na talaga akong magagawa.

Mabagal na umiling si Louis, tila ba wala sya sa matino nyang pag iisip.

“Louis—“

“Hahahahahahahahahahhahaha!!!!!” napatigil ako sa pagsasalita ng biglang tumawa si Louis. Hawak nya ang tyan nya habang hindi magkamayaw sa kakatawa. Napapahiga na rin sya sa sofa na para bang wala ng bukas.

Nagkatinginan kami ni Sophie. Puzzled kami sa kung ano ba ang dapat naming iinterpret dun.

“Hahahaha!!! Sobrang haha! epic ng mga haha! itsura nyo! Sayang! Hindi ko yun haha! napicturan.” Dagdag pa ni Louis habang tumatawa sa pagitan ng mga sinasabi nya.

“A-anong ibig mong sabihin?” tanong ko ng hindi parin maintindihan kung ano bang pinupunto nya.

“Hindi ako baliw okay? Kunyari lang yon. Tss!” sagot pa nya habang pinupunasan ang mga luhang lumabas sa mga mata nya dahil sa kakatawa.

Nagkatinginan muli kami ni Sophie. At nung alam na namin ang tunay na nangyayari…

“Uupakan ko to eh! Ako na uupak dito Heath!” pinigilan ko si Sophie na pumunta sa side ni Louis bago pa man nya masabunutan o suntok ito.

“Umupo ka nga.” Kalma ko kay Sophie. “Ano bang ibig mong sabihin Louis? Klaruhin mo nga.” Patungkol ko naman kay Louis.

Nginitian nya kami na para bang natatawa lang sya sa mga reaksyon namin. Mapang asar? Genuine? Challenging? Kung ano pa man, hindi ko alam kung anong klase ba ng ngiti ang mga yon.

“Pang ilang tao na ba kayong pumunta dito para iconfirm ang bagay na yan? Hindi ko na mabilang.” Saad nya na para bang sinasabi nya lang yun sa sarili nya pero rinig parin namin ni Sophie.

“Sasabunutan na kita pag di mo pa kami diniretso. Pwede ba? Diretsuhin mo na kami!” pasigaw at di mapakaling sabi ni Sophie sa kanya.

“It’s all a set up.” Saad nya ng may mga simple at maliit na ngiti. “Hindi totoo ang lahat ng nalalaman nyo.” dagdag pa nya.

“A-anong ibig mong sabihin?” tanong ko ng hindi parin sya mas lalong maintindihan.

“Lahat ng impormasyon na nakuha nyo tungkol sa akin, lahat yun ay sinet up na na information ng pamilya ng dati kong asawa para sirain ako. Para kung saka sakaling mangangailangan ako ng mga information sa trabaho, history kunyari which is very important, yun ang makukuha ng pupuntahan kong trabaho at ng kahit sino pa man, parang kayo.” Explanasyon nya.

“Okay? Pero bakit naman nila gagawin yon?” tanong ko, hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi sa kanya.

“Dahil nagkaroon ng mental disorder ang anak nila noon…at dahil dun…napatay ko sya.”

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon