edited
Heather Stewart
"Heath tara na! Nilalamok na ko dito oh!" yamot na yamot na yagak sakin ni Sophie. Hinahampas na rin nya ang braso nya dahil siguro nilalamok na nga sya. Dito kasi kami nagtago malapit sa fishpond kuno ng school na bulok na. Ewan ko ba, ayaw pa nila linisin to.
"Saglit na lang" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Syempre, nag eenjoy pa akong tingnan ang crush ko. Anu ba!! Sobrang lalaki naman ng mga ngiti ko.
"Peste ka talagang babae ka!" sabay hampas na naman nya sa braso nya.
"I love you too!" tumingin ako saglit sa kanya at ngumiti. Tapos, binalik ko na ang tingin ko perfect human view na nasa harap ko ngayon. Nakakaganda talaga ng araw ang tingnan sya. Ay kilig!
"Che!" rinig ko nalang na sabi ni Sophie. Hehe! Kahit ganyan yan, mahal na mahal ako nyan!
Gwapo. Matalino. Mayaman. At sobrang bait. Yan si Lazarus Temprosa, ang aking boyfriend…sa imagination. Unfortunately, boyfriend ko sya pero ako lang naman talaga ang nakakaalam. Haha, parang ewan lang. He’s been my one, two, three…four! Four years crush. Ako naman ang kanyang stalker, suitor, invisible alalay, fan at kung ano ano pang matatawag mo sa isang babaeng habol ng habol sa isang hinahangaan nyang lalaki. Katulad ng lahat, matagal ko na syang gustong personal na makilala, yung tipong, kung pano ring ang iba ay gustong personal na makilala ang crush nila. Pero, syempre, katulad din ng iba, hanggang tingin na lang ako at paghanga.
At eto pa…dumating na ang lagi kong biktima. Masasabi ko kasing napatay ko na sya ng maraming beses at paulit-ulit sa aking isipan. Si Louis Gicam, ang official and real girlfriend ni Zar.
“Hi Gummybear!” bati ni Zar sa kanya. Sa totoo lang, crush ko si Zar pero ang korni ng tawag nya kay Louis ah. Gummybear? Ano daw? Korni!
“Hey bubble gum..” okay, mas korni yon ng sobra.
Nagngitian pa sila. Bago nag kiss si Zar sa cheeks ni Louis. Hay nako! PDA! Ireport ko kayo sa dean gusto nyo? Naghawak kamay pa sila at umupo si Louis sa tabi ni Zar.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Louis, with the pa cute face. Sugurin ko na kaya sya tapos sabunutan. Parang magandang idea yun ah.
“Nag aaral..” tipid ng sagot ni Zar sabay ngumiti kay Louis. EHem, ang ngiting nakakatunaw.
“Nag-aaral ka na naman?” sabi na eh, bad influence tong babaeng to. Tsk tsk. “Let’s just go for lunch. Mamaya ka na mag aral..” nagpout pa sya. Akala mo naman cute!
Ilang segundo munang tiningnan ni Zar si Louis na para bang binabasa nito ang mukha nya. Wag ka pumayag. Wag ka pumayag. Walang bulok na fishpond sa canteen na pwedeng pagtaguan ng mga stalker na magagandang tulad ko. No! I can only watch you full view from here.
“Sige na nga..” and it fails. Fail na naman!
“Yay! Thank you!” kiniss pang muli ni Louis ang cheeks ni Zar bago nito ayusin ang gamit nya, tumayo at umalis na sila...ng naka holding hands pa.
“Oh, tapos na ba ang palabas na from Romance ay naging horror and tragedy ang genre.” Biglang pagsasalita ni Sophie ng may medyo pang asar face habang palo ng palo sa braso nya.
“Oo na. Tara na..” I admit, wala na kaya syempre, alis na kami dito.
“Alam mo—“ inunahan ko na sya bago pa sya makapagsalita. Routine na namin to. Tuwing hihigitin ko syang samahan akong istalk si Zar, tapos dadating ang impaktang si Louis, lagi nalang nya akong sesermunan palagi. It’s been a cycle.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...