One Night 52: Unexpected Visitor.

7.5K 132 1
                                    

Heather Stewart.

Hindi ko mapigilan ang mga ngiting nakapinta sa mga labi ko. Para akong baliw dito na nakangiti habang inaalala ang nangyari kagabi, sobrang nag enjoy talaga ako sa naging oras na yon namin ni Zar. Bukod pa dun, para bang randam ko ang bigat at kinang ng manipis na gintong kwintas na nasa leeg ko ngayon. Yung feeling na to…haayyy…sana laging ganito.

“What are you grinning about Mommy? You keep on grinning on the windows?” napalingon ako kay Evo na nasa likod ng sasakyan. Pauwi na kami at medyo maulan at malakas ang patugtog ng radyo ni Zar kaya parang nawala din ako sa realidad na kasama ko nga pala sila.

“Oh, nothing. I was just thinking of…something.” Sagot ko habang pinipigalan parin ang pagngiti ko pero hindi successful kasi natatawa parin ako.

“Care to share Mommy?” saglit na ibinaling ni Zar sa direksyon namin ni Evo ang tingin nya saka ibinalik muli yon sa daan.

“Yeah. It seems so funny.” Para bang naeexcite na sabi ni Evo.

“No really it’s nothing…” sambit ko dahil hindi ko naman talaga alam kung paano ko sasabihin kung ano bang pinagtatawanan ko. “Look may McDo, you want Ice cream anak?” mabilis kong sabi ng makakita ako ng McDo para madistract sya.

“Yes! Yes! I want ice cream!” halos nagtatatalon nyang sagot. At syempre, nawala na ang issue ng hindi maintindihang pagngiti ko sa bintana. Nginitian at inilingan lang ako ni Zar na halatang alam nya kung bakit ako nagyayaya ng drive thru ng McDo.

Matapos naming umorder ng dalawang buger at isang spaghetti, tatlong ice cream at talong juice, nagtuloy tuloy ulit ang byahe namin pabalik sa bahay. Naalala kong tawagan si Sophie. Kamusta na kaya ang babaeng yon? May sakit pa kaya? Hindi naman na siguro.

“The number you have dialed is not yet in service. Please try again later” ang paulit ulit na naririnig ko habang paulit ulit syang tinatawagan.

“Hindi mo parin macontact si Sophie?” tanong ni Zar habang saglit lang na tumingin sa akin. Si Evo tahimik na kumakain sa likod.

“Oo eh. Hindi kaya may sakit pa? Okay lang kaya yun?” nag aalala kong sagot.

“Hindi. Tinawagan ko nung isang araw si Lemuel. Sabi nya okay naman na daw si Sophie. Ayaw lang daw tayo munang maistorbo.”

“Oh eh bakit hindi ko kaya sya macontact. Naku, hindi kaya na snatchan na naman yung ng cellphone? Laging ganun yun eh.” Sambit ko ng maalala ko na lagi nalang nawawalan si Sophie ng cellphone. Panigurado ganun yun.

Natawa si Zar. “Wag naman sana. Mahirap ulit bumuo ng contacts.”

Natawa din ako sa kanya. “Sa bagay.” at contacts talaga ang concern nya ha. Pero kahit papano, may point naman talaga.

Hindi nagtagal, nakarating na kami sa bahay. Mabagal nga lang kesa sa normal na takbo ang sasakyan dahil nga maulan.

Pareho kaming napakunot noo ni Zar ng bukod kay Manang eh nakasalubong din sa amin at may dalang payong si Carlo. Anong ginagawa nya dito?

“Hey, what’s up?” bati ko sa kanya ng pagbuksan nya ako ng pinto.

“Tito Carlo!” masayang bati sa kanya ni Evo. Oo nga pala, ngayon palang sila nagkita simula ng pumunta dito si Carlo sa Pilipinas.

“Hey kiddo! Hey Zar!” bati nya kay Zar at Evo ng may mga pilit na ngiti. “You and I should talk.” Bulong nya sa akin para ako lang ang makarinig.

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon