A/N
Dedicated to Claud_Horan23. Ang gumawa ng aking magandang book cover. Thanks girl!!! :)))))
**
Third Person.
“Tapos, gusto nya ng schedule? Grabe, paano nya nagawang itanong sakin yun.” Dirediretchong salita ni Heather kausap si Sophie. Nakapalumbaba naman si Sophie, kanina pa nya hindi maintindihan ang pinupunto ng kaibigan nya. Kaya tango na lamang sya ng tango.
“O eh nasan na yung anak mo ngayon?”
“Nasa skul. Hinatid ni Zar kanina. Ang aga aga nyang pumunta sa bahay para sabihin na sya na rind aw ang susundo kay Evo.” Sagot nya sabay inom ng tubig dahil sa pagkakadire diretcho ng pagsasalita nya.
“Pumayag ka naman ba?”
“Wala naman ako magagawa eh. Hindi ko naman pwede ipakita kay Evo na nag aaway kami ni Zar. Kaya sabi ko, dapat 7pm nasa bahay na si Evo.”
Nakatingin lang si Sophie kay Heather. Para bang may maling sinasabi si Heather na taliwas sa paniniwala ni Sophie.
“Ano?” tanong ni Heather sa expression ng mukha ni Sophie.
“Ano bang pinupunto mo Heath? It’s just a schedule.”
“Just a schedule?—“
“Wag ka nga mag overreact.” Agad na pagsingit ni Sophie sa pagsasalita ni Heather. “Bakit ka ba napapraning sa isang schedule? Hindi kita ma gets.” Napailing pa si Sophie sabay sandal sa sofa na inuupuan nya.
“Bakit ba hindi nyo ako ma gets. Ayoko lang kasi na agawin ni Zar si Evo sa akin”
“So lumalabas din ang gusto mo talagang mangyari. Ang gusto mo, porket nalaman na ni Zar na anak nya si Evo eh save ka na sa worries mo noon na malaman nila ang katotohanan, tapos, dapat tapos na. Heath, hindi ganun yun. Syempre, sya ang ama, malamang gusto nyang magkaroon ng panahon kasama ang anak nya. At!” dagdag pa ni Sophie ng magsasalita na si Heather. “isang schedule ang hiningi nya sayo. Mahirap ba ibigay yun. Edi kunin mo ang apat na araw sa isang linggo as bonding nyo ni Evo at tatlong araw naman sa kanila ni Zar. Yun lang yun Heath. Masyado kang praning at over thinker.”
“Pero—“
“Pero ano? Natatakot ka na baka mas maging close si Zar at ang anak mo?”
Bumuntong hininga muna si Heather saka sumagot.
“Oo.” Medyo nahihiya pa nyang tango.
“Overthinker.” At nag roll eyes pa si Sophie kay Heather.
“Sa tingin mo?”
“Duh! Oo sobra! Kausapin mo si Lazarus at pag usapan nyo yang schedule schedule na yan. Yan lang tinawagan mo pa ako.” nag roll eyes pa si Sophie kay Heather sabay inom ng juice nya.
Napabuntong hininga at involuntary pout nalang si Heather sa mga sinabi ni Sophie.
“Unreasonable ba ako kung pakikinggan? Mali ba yung iniisip ko. Over thinker nga kaya ako?” naitanong nya sa kanyang isipan.
**
“Hindi ko talaga maintindihan insan. Ano bang mali sa gusto ko?” tanong ni Zar sa nakapalumbaba nyang pinsang si Lemuel.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...