Heather Stewart.
4 years later
"EVO!"
Ay grabe tong batang to! Napakakulit!!
"EVO SAGLIT!! Wag kang—Evo!"
At tinakbuhan parin nya talaga ako. Naku! patay sakin tong batang to pag naabutan ko!
"Evo, ano bang—“
"Look Mommy! I told you! He looks like Daddy!!" sabay turo nya dun sa--
"Heather?" Napatayo at mukhang nagulat sya ng makita ako.
"Evo let's go. He's not your Daddy..." yakag ko sa bata.
"But Mommy! Doesn't he look like him? I'm right, right?" at tiningnan nya ako ng inosenteng inosente.
"Anak mo?" napatingin naman ako kay Zar ng tanungin nya ako.
Hindi parin sya nagbabago. Gwapo parin. Pero, hindi katulad ng dati, wala na akong nararamdamang kuryente o kaba pag nakikita sya.
May kaba pero hindi dahil gusto ko sya. Pero dahil may utang ako sa kanya.
“Anak ko? Alam ba nya ang sinasabi nya? Ang tanga mo Heather, malamang hindi.”
"Oo. Anak KO." I face Evo. "Let's go na baby. Marami pa tayong pupuntahan diba?"
Nagpabalik balik ang tingin ni Evo mula sa akin papunta kay Zar. Para bang nag iisip sya. Inopen nya ang arms nya. Nagpapakarga. Kaya Binuhat ko na.
"Mommy I thought he's *sob* dad *sob* ddy *sob*" at eto na. Iyakan session na naman kami neto.
"It's okay baby..." sabi ko habang hinihimas ang likod nya.
"Alis na kami..."paalam ko kay Zar.
"Ah teka..." pagpigil nya sakin. "It’s…been a while. Gusto mo bang mag lunch muna?...o kape?” dagdag nya ng mapamake face ako halatang tatanggi sa offer nya.
"Okay lang Zar.” Pilit ngiti kong sagot sa kanya kahit kinakabahan na talaga din ako. “Umiiyak na kasi, kailangan ko na munang umuwi..” sabay isang tipid na ngiti. Maglalakad na sana muli ako ng hawakan nya ako sa braso.
"Heather…” napatigil ako at napatinging muli sa kanya. “Nawala ka. Dito ka na ba nakatira? Bumalik ka na?”
Matagal ko muna sya tiningnan bago sumagot.
“Oo. Bumalik na ako. Pero, I don’t think dapat tayo nag uusap ngayon hindi ba?” sabay tingin ko sa lalaking I assume, ka business meeting nya.
“Oo” nag hehesitate pa syang lumingon sa kasama nya.
“Sige Zar..” ngumiti akong muli saka naglakad ng palayo. Ng alam kong malayo na talaga ako, saka ko lang narelease ang lahat ng tension at kaba na pinigil ko. Kabang dala dala ko sa nakaraang apat na taon. Pinaghandaan ko man ang araw na ito, iba parin pala talaga kapag tunay na nangyayari na, parang mamamatay ako nung kausap ko sya at hawak ko naman si Evo.
HEAVEN STEWART.
Anak KO na 3 years old.
Well, anak namin ni Zar. Pano naman ako makakabuo kung ako lang mag isa di ba?
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...