One Night 50: Cebu trip part 2

7.3K 144 1
                                    

Heather Stewart.

Pagkatapos kong magbihis ng mas komportableng damit, jogging pants at t-shirt, bumaba na rin ako para makakain na daw muna ng dinner. Tulog pa si Evo sa kwarto na pinagdalhan sa amin ni Zar at Nay Sally, mamaya ko nalang ulit sya gigisingin at pakakainin.

“Ano? May naplano na ba kayong pupuntahan dito sa Cebu?” sabay kaming napatingin ni Zar kay Nay Sally.

“Uhm, first time ko palang po talaga dito kaya hindi ko pa po talaga alam kung saan ang maganda. Kahit saan po okay naman.” Nakangiti kong sagot.

“Plano ko sana…” singit naman ni Zar sa usapan. “Kung okay lang sayo Heather, kahit dito lang tayo. I mean, hindi naman tayo tatlo nila Evo matagal talaga nagkakasama. Marami namang pwedeng magawa dito sa rest house like fishing o yacht tour, meron naman kami dyan.” Pagpapaliwanag nya.

“May yate kayo?” muntik ko pang maibuga yung nginunguya ko ng sabihin nya yon.

“Meron. Not technically sakin. Sa parents ko yun pero nandito lang sa Cebu.” Nakangiti nyang sagot.

“Woah, grabe ah.” naibulong ko nalang.

Napakamahal kaya ng yate! Ganun ba sila kayaman para makabili ng ganun?

“Dati kasi..” biglang nagsalita si Nay Sally. “Mahilig sina Ma’am Riza at Sir Leo maglibot libot sa dagat. Eh ayun, napagdesisyunan nilang bumili ng yate. Minsan pa nga yan, ilang araw sila sa dagat na nasa yate lang.” pag kekwento ni Nay Sally.

“Ganun po ba. Eh pano na ngayon?” agad kong naitanong.

Nagkaron ng saglit naa katahimikan. For a split second, akala ko may nasabi akong mali o nakakaoffend. Pero…

“Busy lang sila. Don’t mind them.” sagot ni Zar. Nakangiti sya pero hindi abot sa tenga, nakangiti pero yung hindi masayang ngiti. Napatingin tuloy ako kay Nay Sally, nginitian nya rin lang ako.

Anong meron? Napaisip pa tuloy ako. Pagdating sa parents ni Zar, wala naman talaga akong alam. Hindi abot ng stalking skills ko yung ganun pang area ng buhay nya. Hmm, nasan kaya sila?

“Gusto mo bang mangisda bukas? May fishpond na malapit dito, pwede tayong pumunta dun.” Tanong ni Zar sa gilid ko matapos kaming kumain.

“Oo sige. Paniguradong magugustuhan din ni Evo na mangisda bukas.” Sagot ko.

“Oh edi ipaalam mo na kay Toni yang plano nyo para maihanda na yung bangka.” Singit naman ni Nay Sally.

“Yun na nga po Nay. Puntahan ko lang sya saglit ah.” tumayo si Zar mula sa kinauupuan nya saka umalis para puntahan si Manong Toni.

Kami naman ni Nay Sally, naiwan para sa pagpispis ng pinagkainan.

“Ako na po ang maghuhugas.” Offer ko.

“Ah hindi na.” mabilis nyang tanggi. “Ako na dyan, kaya ko yan.” Hablot nya sa mga hawak kong plato saka dinala ito diretso sa kusina. Para makatulong, kinuha ko na ang mga baso at pitsel saka dinala din ito sa kusina.

“Bata ka, ako na dyan.” Hablot nyang muli sa mga hawak ko.

“Close po kayo ni Zar noh..” pagbubukas ko ng topic habang naghuhugas sya ng plato. Pinili kong manood nalang sa kanya habang nakikipag kwentuhan.

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon