One Night 41: Girl Talk

8.7K 171 8
                                    

Heather Stewart.

“#441 Eastwing St. Maydown, Manila” matapos kong itype ang exact address ng opisina ni Carlo, pinress ko na ang send button.

“Huyyy!” agad akong napatingin kay Sophie. Nakapasok na pala sya sa opisina ko ng hindi ko man lang napapansin. “Bakit napaka seryoso mo naman ata jan?” tanong nya habang nilalabas ang laman ng dala dala nya mula sa isang paper bag.

“Wala. Wala naman.” Sagot ko kahit alam kong mukha akong nagsisinungaling dahil hindi ko talaga mapigil ang pagkunot ng mga noo ko.

“Asus! Ako pa niloko mo!” sagot nya. Sabi na eh!

“Wala nga yun. Ano ba tong mga dala mo?” pag iiba ko ng topic.

Ayokong pag usapan ang pag aalala ko kay Carlo at Zar dahil wala rin naman talagang dapat pag usapan. Besides, wala naman akong alam kung ano ba ang pwedeng mangyari sa kanila. Siguro, pag natapos nalang, dun ko nalang ulit bubuksan ang topic.

“Nagluto kasi ako, nagbake tsaka gumawa ng mga drinks. Gusto kong tikman mo para tingnan natin kung pasado sa taste mo.” Sagot nya habang inaayos ang mga pagkaing dala nya.

“Hmm, ang dami nyan ah. Sayo lang lahat ng recipe nyan?” nakangiti kong tanong sabay upo sa couch na nasa opisina ko.

“Yup! Plano ko kasing magbukas ng sarili kong parang…small café.” Sagot nya.

“Oh talaga? Maganda yun ah. Napatikim mo na ba to kay Lemuel?” nakangiti kong tanong sabay kuha sa cupcake na dala nya. Kulay light orange ito na may orange icing din, flower designs made out of icing pero mas matigas sya kesa sa ordinary icing, sprinkled chocolate powder, at maliit na chocolate stick sa gilid. Malamig ito ng hawakan ko, para tuloy naglaway ako agad hawakan ko palang.

“Hindi pa. Ano ka ba! Mamaya na yang dessert. Ito munang pasta.” Kinuha nya sa akin ang pasta sabay abot ng tupperware na may lamang spaghetti pasta pero mukha syang Italian style. May basil leaf at tomato bits kasi ito pero to compare sa mga alam kong Italian style pasta, mas mapula itong gawa ni Sophie, kasing pula ng mga Filipino style spaghetti.

“Oh eh bakit hindi mo naman muna pinatikim to kay Lemuel.” Tanong ko habang iniikot ang pasta sa tinidor ko.

“Para kung sakaling nakakamatay pala yung luto ko, hindi sya agad yung matyugi”

Agad akong napatingin ng seryoso sa kanya.

“Ito naman! Joke lang!” agad nyang bawi. Napailing ako habang iniikot parin ang pasta sa tinidor ko.

“Ikaw talaga! Pag eto di masarap…” tila ba warning ko pa sa kanya sabay subo ng pasta sa bibig ko.

Nginuya, Nilasahan, Nilasap ko ang pasta ni Sophie. Matapos ang ilang segundong paglasap dito, napakunot noo ako. Tumingin ako sa pasta, tapos kay Sophie.

“Ano to Sophie? Bakit…”

Nakangiti lang sya sa akin. Para bang alam nya na kung bakit ganun ang expression ko.

“Masarap?” nakangiti nyang tanong.

Agad akong napatango ng mabilis.

“Oo. Wow, ang sarap.” Hindi ko makapaniwalang sagot. “Bakit ganun, nung kinain ko sya, malamig sya sa bibig. Mint?” tanong ko ng nanghuhula. “Pero kung mint kasi to, dapat malalasahan ko sya pero hindi eh. Tsaka..” hinawakan ko ang labi ko pati ang gilid ng labi ko. “Walang excess oil?” tanong ko habang nagtataka parin. Madalas kasi, may excess oil ang mga pastas pero wala itong gawa ni Sophie.

A One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon