Heather Stewart.
“T-tay..” halos nauutal ko pang sambit ng makita ko ang daddy ko. Nakangiti man ako, kakaiba namang kaba ang nararamdaman ko.
Malayo palang, nakalahad na ang mga braso ni Daddy para salubungin ng yakap si Evo.
“Lolo!” mabilis na tumakbo si Evo papunta sa lolo nya at niyakap ito.
“How’s my grandon? Huh?” niyakap din sya ni Daddy. Lumapit din ako at sinalubong sya ng yakap. “And my princess…” napangiti ako sa pag address nya sa akin.
“Why are you here?” agad kong naitanong kay Daddy.
“I just got here. Are you kicking me out already? And I’m missing my little buddy right here. You do not call very often huh.”
“Well, kind a busy. Where’s Aunt Berna, you’re not with her?” tanong ko habang palinga linga. Obvious naman na wala. May masabi lang. Si Sophie, kakaiba na ang tingin sa akin sa gilid. Mamaya mag uusap kami nyan.
“You know, she’s busy with her boutique. She can’t leave the work alone for now since she’s starting.” Pag iinform ni Daddy kasama ng pagbuhat nya kay Evo. Obvious pang nahirapan sya sa pagbuhat sa bata. For sure, mabigat na talaga si Evo.
“Yeah. I’m sure that’s very common.”
“Yeah. Oh hey,” humarap si Daddy kay Evo. “Heaven, I bought you some ice cream!”
“Really?” nanlalaking mata at ngiting tanong ni Evo.
“Yes! yes! come on. it’s in the kitchen.” Nagsasasayaw pang buhat buhat ni Daddy si Evo papuntang kusina.
“Tay, not too much.” Pasigaw ko pang habol na bilin sa kanya.
Ng mawala na sa eksena si Daddy, agad akong hinigit ni Sophie paakyat sa taas at papunta sa kwarto ko.
“Kamusta, anong nangyari sa inyo ni Zar sa Cebu?” naeexcite nyang tanong.
“Jusko naman, akala ko kung ano namang sasabihin mo. Okay naman. Okay naman yung nangyari.” Sagot ko.
“Anong okay naman? Anong ibig mong sabihin?” udyok na parang hindi kumbinsido.
“Eh…” napangiti ako sabay pakita ko ng kwintas na suot ko. “Binigyan nya ko ng kwintas.” Nakangiti kong sagot na parang teenager.
“OMG. Ang landi mo. Patingin..” inusisa na nya ang kwintas ko. “Pano nya to binigay?” curious nyang tanong.
“Sinakay nya ko sa yate nila tapos yon…kwento kwento konti tapos binigay nya na to sakin. Parang ganun.” Sagot ko ng hindi alam kung pano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang nangyari.
“Nag sex ba kayo nung gabing yon?”
“Hoy! Hindi noh. Kumain at nag kwentuhan lang kami.” Pabulong kong sagot sa kanya. Talaga to si Sophie, nakakapantaas ng balahibo ang mga tanong.
“Ang hina mo naman. Sana nakipagsex ka na.” saad nya ng sobrang nanghihinayang.
“Tumigil ka nga jan.” natatawa kong sagot. Natawa na rin sya.
“So, kayo na ba? Sayang effort ko kung wala man lang nangyaring anything dun ha.”
“Well…hmm…parang papunta na dun. May kwintas na nga di ba. Pero, ayoko lang bilisan ng sobra.”
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...