Third Person.
“Ano? Kung ganun, bakit kailangan kong magtago? Hanggang kelan? ” tanong ni Zar ng iinform sya ni Sophie tungkol sa sitwasyon ni Heather sa pagdating ng Daddy nya.
“Basta, ganun talaga. Hanggang next week lang naman. Hanggang matapos yung birthday ng anak nyo. Kung gagawin mo yun, matutulungan mo si Heather.” Sagot naman ni Sophie.
Napailing si Zar.
“Hindi ko alam.” Sambit nya.
“Paanong hindi mo alam?” naguguluhan namang tanong ni Sophie.
“Hindi ba mas maganda kung magpapakilala ako sa kanya? Hihingi ng tawad sa mga nangyari dati? Hindi lang naman si Evo ang gusto ko Sophie, gusto ko ring makuha si Heather. At hindi ko sya makukuha kung hindi ko rin makukuha ang daddy nya.” Paliwanag ni Zar kasama ang kanyang pagkakunot noo na tila ba tinitimbang talaga ang sitwasyon na nangyayari.
Napabuntong hininga si Sophie.
“Alam mo Zar. Pasensya na kung sasabihin ko to sayo ha.” Pag wawarning pa ng dalaga. “Pero, gago ka kasi talaga noon eh. Kahit naman ako doubtful sayo di ba. Kaya sa tingin ko din, hindi mo agad agad na makukuha ang tiwala ni Tito sayo. Syempre, tatay yun.”Pagbibigay naman ni Sophie ng opinyon nya sa sitwasyon.
Napabuntong hiningang muli si Zar.
“Hindi ko talaga alam.” Sambit nito.
*
“Tito! Stop this!” sunod sunod na sigaw ni Sophie habang inaawat ni Lemuel si Franco sa patuloy na pagbugbog nya kay Zar.
Sa kabilang banda, wala namang ginawa si Zar kundi saluin ang lahat ng suntok na binibigay sa kanya ni Franco. Hindi sya lumaban. Hindi sya umiwas. Patuloy lang ang pagsuntok sa kanya ni Franco kahit duguan na ang mukha nya at sa sahig na sya sinusuntok.
“Sir, tama na!” patuloy naman na sigaw ni Lemuel na pilit lang na pinipigilan ang panununtok ni Franco.
Walang naririnig si Franco. Patuloy lang ang pagsuntok nya kay Zar. Isa itong paghihiganti. Paghihiganti para sa anak nya.
“Shit naman.” Bulong ni Sophie bago kumaripas ng takbo palabas ng kwarto. “Tumawag ka ng mga security guards. Nagkakagulo sa loob. Bilisan mo.” Mabilis na utos ni Sophie sa sekretarya ni Zar. Agad naman nitong kinuha ang telepono na nasa desk nya at dinial ang numero sa baba ng building para mapatawag ang mga guwardiya.
“Shit. Shit talaga.” Bulong ni Sophie habang dinidial ang cellphone number ni Heather.
“Hell—“ agad ng nagsalita si Sophie bago pa man makapag hello si Heather.
“Heath! Si Tito Franco, nandito sya sa opisina ni Zar. Binubugbog nya na si Zar!” mabilis na sabi ni Sophie kasama ang patuloy na pagpapanic.
“Ano?” hindi makapaniwalang tanong ni Heather.
“Oo. Basta bilisan mo. Mamaya nalang ako magpapaliwanag. Pumunta ka na dito. Hindi namin mapigil yung tatay mo.” Pag iinform sa kanya ni Sophie.
“Oo sige sige.” Mabilis rin na sagot ni Heather kasabay ng pagkaputol ng linya ng telepono.
Ng lumingon si Sophie, tatlong security guard ang kumakaripas na ng takbo papunta sa opisina ni Zar.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Novela JuvenilInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...