Heather Stewart.
Iniangat ko ang ulo ko para makatingin ako sa salamin. Napangiti ako saka napabuntong hininga. Hindi ko inaakalang darating ang araw na ito. Ang araw ng kasal namin ni Zar.
Tube white dress ang suot ko. Puno ito ng laces at beads na nagpapakinang ng sobra sa akin, kasama nun ang isang glass shoes, yung parang kay Cinderella. Kinulot ang buhok ko saka ito itinali pabun, messy style pero nagcompliment ang lahat pati na ang make up ko.
Napabuntong hininga ulit, yung buntong hininga na kumukuha ng hangin dahil kinakabahan ako…at excited sa mangyayari ngayon. Matapos ang araw na to, opisyal na akong Mrs. Heather Stewart-Temprosa. Kung pwede lang sumigaw! Gagawin ko talaga. Pero on the second though, wag nalang. Baka akalain pa nila kung ano ng nangyayari sakin dito. Haha!
“Hindi ka pa tapos?” bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Sophie.
Lumabas na ako sa maliit na kwartong nasa isang kwarto din saka ipinakita kay Sophie ang itsura ko.
“Wow. Laki ng improvement mo ah.” agad nyang puna.
“Grabe…para namang ang panget ko.” panukso ko namang sagot sa kanya. Natawa lang naman kaming dalawa.
Hinagod ni Sophie ang tiyan nya. Three months na syang buntis. All those signs. Yung pagiging mas buryo nya, pagkain ng melon sa party at madalas ng pagkahilo, hindi nila namalayan ni Lemuel na three weeks pregnant na pala sya nun. Nung una, iniyakan pa ni Sophie yun ng malaman nya. Gusto kasi nyang ikasal muna bago magka anak. Pero, unti unti, tinulungan namin sya lalo ni Lemuel na unti unting matanggap na magkakaanak na nga sila. Minsan tinotopak parin pero tanggap na rin naman nya. Dapat lang daw sobrang bongga ang kasal nila ni Lemuel para makabayad naman daw to sa “maaga” nyang pagbubuntis. Nakakatawa lang talaga silang dalawa.
Isang katok sa pinto ang nagpalingon sa amin pareho ni Sophie. Dumungaw naman agad ang ulo ni Daddy sa pinto.
“Can I come in?” nakangiti nyang tanong.
“Yes Tito.” Sagot ni Sophie.
Ng makapasok na si Daddy, agad syang napatigil at masinsininan akong tiningnan ng tuluyan nan yang makita ang kabuuan ng itsura ko.
“You’re gorgeous Princess.” Tila ba pabulong nyang sabi.
Napangiti ako saka sya nilapitan at niyakap.
“Yes. I will always be your princess.” Pinipigilan ko ang sarili ko sa pag iyak. Hindi pwede. Kahit napaka emotional nito.
“You will always and forever be.” Bulong din sa akin ni Daddy. Ilang segundo muna kaming nagyakapan bago nya ako binitawan. “I have something to give you.”
“Oh? What is that?” tanong ko.
Mula sa bulsa nya, kinuha nya ang isang pares ng hikaw.
“I hope you don’t mind wearing this?” tanong nya ng nakangiti.
“Ofcourse.” Sagot ko saka tinanggal ang earrings na suot ko.
Maliliit na white diamonds earrings ang pinapasuot sa akin ni Daddy. Maliit man, masasabi kong mas maganda naman ito kesa sa suot ko kanina.
“This is your Mom’s” napatigil ako at napatingin sa salamin, nagkatinginan kami ni Daddy mula sa salamin. “I know she did what she did but…she’s still your mother.” Pagpapatuloy pa nya.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...