Heather Stewart.
“Why did you do this Heather?”
Madalas na pabiro kung tawagin nya ako. Pero ngayon, alam kong galit na galit sya sa akin.
“Vic, it’s just...a sudden decision.” Kibit balikat kong sagot.
“A sudden decision? Is this what you’re doing here? Going out with that...i don’t know, shit?”
“What” gulat ko agad na reaksyon. “I’m not going out with Zar, Vic. I’m giving him a chance to have time with his son not with me. And please, don’t call him that”
“So, you’re covering him now? It still does not change the fact that you’re keeping secrets from us, from your father Heath. I’m sure he does not know this.” Napailing pa sya na parang disappointed.
Medyo nagpanic ako.
“Vic please, don’t tell him yet.” Pakiusap ko.
Kapag nalaman ng tatay ko ang tungkol dito...hindi ko alam ang magiging reaksyon nya. Pero alam ko na hindi nya iyon magugutuhan.
Siguradong hindi nya magugustuhan at magagalit sya sa akin.
Alam ko ang galit na meron sya kay Zar. Alam ko naman kung saan nanggagaling ang galit na iyon.
Napalingon kaming pareho ni Vic ng may kumatok sa pinto.
Binuksan ko ang pinto at mula doon ay nakatayo ang anak kong si Evo.
“Mommy, Daddy said he’s leaving.” Saad nya habang may hawak na lollipop, bigay ni Vic sa kanya.
“Okay Baby, I’m coming down. Just a sec.” ngumiti ako at naglakad na sya pababa.
Muli akong humarap kay Vic na patuloy parin ang pagkasalubong ng mga kilay.
“Vic please, I hope you’ll keep this from my father.”
“I’m not promising anything Heather.” Saad nya saka nya ako nilagpasan at naunang lumabas ng pinto.
Alam kong walang ipinangakong kahit ano man si Vic, pero alam kong tutulungan nya ako.
Alam kong itatago nya ito....sana.
Ng makababa ako, wala na si Vic sa sala.
“Nasan na si Vic?” naitanong ko kay Zar.
“Umalis na.” tipid nyang sagot.
“Ahh..”
Lumapit si Zar sa akin.
“May problema ba Heather?” pabulong nyang tanong. Para siguro hindi na rin marinig ni Evo.
“H-ha? Wala naman...bakit?”
Tinutukoy nya ba si Vic? Oh gahd, another explanation na naman ba ito?
“Sigurado ka? Sino ba ang lalaking yun?” malumanay ngunit malaman nyang tanong.
“Zar...kaibigan ko sya. May mga bagay lang na...basta, medyo complicated kasi.”
“Mas mapapadali ba kung sasabihin mo sa akin?”
Bakas sa mukha nya ang concern, ang pag aalala, ang pagka curious.
Pero..
“I’m sorry Zar. This thing is too personal.”
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Fiksi RemajaInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...