Third Person.
Iniliko ni Zar sa kanan ang manibela ng sasakyan nya. Nag aalala at may agam agam man, hindi naman nya maiwasang hindi lang pansinin ang pagmamakaawa ni Louis na puntahan ito sa bahay nila. Kahit ba wala nalang para sa kanya si Louis, kahit papaano naman ay may pinagsamahan parin sila. Mga ala alang hindi na mabubura kahit pa anong gawin nya. Tutal, iyon naman ang nagpapasaya sa kanya noon.
Agad na pinark ni Zar ang sasakyan nya gilid ng bahay ni Louis. Noon, maganda ang bahay nila Louis. Hindi man ito kalakihan pero maayos at malinis naman ang itsura nito mula sa labas. May magandang garden na may mayayabong at makukulay na bulaklak, kulay puting pintura ng bahay na para bang laging nireretouch, at isang aura ng tila ba masayang pamilya ang nakatira sa loob.
Ngayon, isa nalang itong luma, napabayaan, at patay na aurang bahay. Para bang walang nakatira na sa bahay na iyon. Ano’t ano pa man, pumasok pa rin si Zar sa gate, bukas naman kasi ito, sabay diretso at katok sa pinto.
Mga dalawang segundo lang matapos nyang kumatok, bumukas agad ang pinto. Sinalubong si Zar ng amoy ng alak, magulo na sala kung saan nakakalat ang iba’t ibang damit, chichirya, pinagkainan, bote ng alak at kung ano ano pa, at ni Louis, na para bang kahit anong segundo ay handa ng mag suicide.
“Louis ano bang nangyayari sayo?” pambungad na tanong agad ni Zar sabay hablot ng bote ng alak na hawak ng dalaga.
“Zar!” lasing ang dalaga habang namumugto ang mga mata mula sa ilang oras na pag iyak. Agad nyang niyakap si Zar habang humihikbi at umiiyak. “Zar, balikan mo na ko..” sambit nito habang nakabaon ang mukha nya sa dibdib na bahagi ng binata.
“Louis ano bang sinasabi mo? Lasing ka lang. Umupo ka nga muna.” Agad na hinawi ni Zar ang mga kalat na nasa sofa sabay higa nya sa dalaga.
“Hindi Zar. Hindi ako lasing. Okay ako, matino ang isip ko. Totoo ang mga sinasabi ko.” sambit ng dalaga habang may mga luhang bumabagsak sa kanyang mga mata.
“Louis…ano bang. This is stupid. Out of the blue magpapakita ka sakin tapos sasabihin mo na gusto mong makipagbalikan sa akin? This is just stupid.” Naiinis na saad ni Zar.
“Bakit hindi? Dati rati naman, kayang kaya mo akong patawarin kahit gaano pa—“
“Dati yon Louis. But what? It’s been four years! Ano bang akala mo? Na sayo pa umiikot ang mundo ko?” napataas na ang boses ni Zar. Bagay na ikinagulat ni Louis. Never pa syang napagtaasan ni Zar ng boses noon. Kahit sya ang may mali, si Zar parin ang nag sosorry. Si Zar pa rin ang gumagawa ng paraan para maging maayos sila.
“You used to. May iba na ba? Kaya ka ba…ganyan?”
Natigilan si Zar sa tanong na yon ni Louis. Agad kasing pumasok sa isip nya si Heather. Hindi lang si Heather, pero pati na rin si Evo. At ang pamilya na pwede nyang mabuo kasama ang dalawang pinaka importanteng tao ngayon sa buhay nya.
“Meron na.” kalmado ng sabi ni Zar. “Louis, we are over.” Diretsong nakatingin si Zar sa mga mata ni Louis. “So please, wag mong pahirapan ang sarili mo.”
Muling tumulo ang luha sa mga mata ni Louis. Ang lalaking dati ay kayang ibigay sa kanya ang lahat, kayang hintayin kahit gaano katagal, at kaya syang sambahin na parang santo o diyos ay ang parehong lalaking tinatanggihan na sya ngayon.
“Gutom ka ba?” pag iiba sa usapan ni Louis.
“Hindi ako susuko.” Isip isip pa nya.
BINABASA MO ANG
A One Night Love
Teen FictionInfatuation or Love? Kelan nga ba natin masasabi na infatuation lang ang isang bagay at love naman ang sa isa? Meet Heather Stewart, ang dalagang torn between infatuation or love ang nararamdaman nya para sa all time and longtime "crush" nyang si La...