Chapter 1

607 21 2
                                    


Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko. Nangunot ang noo ko dahil inaabala niya pagtulog ko. Kinuha ko ang isang unan saka tinakpan ang tainga ko baka sakaling hindi ko na marinig.

"Hoy, Gacianna! Bumangon ka na r'yan. Abah! Tirik na tirik na ang araw ay nakahilata ka pa r'yan sa higaan mo." Rinig kong sambit ni mama.

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa natatandaan ko ay wala naman akong pasok ngayon. Idagdag pang ang sakit ng ulo ko.
Patuloy kong naririnig ang ingay at ang mga sermon ni mama. Iminulat ko ang aking mata at dumako ng tingin sa labas. Tirik na tirik na nga ang araw.

"Gacianna, hindi mo ba ako naririnig?" mayr'ong pagkainis sa tono ng wika muli ni mama.

Humugot ako nang malalim na hininga. Wala akong nagawa kun'di ang bumangon. Gusto ko rin kasing makita kong ano ang pinagkakaabalahan ni mama dito sa loob ng kuwarto ko. Kakamot-kamot at humihikab pa ako. Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa likuran ko saka tumingala ng tingin.

Nasobrahan na naman ako ng inom kagabi. I hate hang-over talaga.

"Sinabi ko naman sa'yo, tigil-tigilan mo na ang pag-iinom at pagpunta mo sa kung saan-saan." sermon ni mama.

Dumako ang tingin ko sa kaniya. Kanina ko pa kasi naririnig ang mga yabag niyang pabalik-balik. Hindi ko pa man nakikita pero naririnig ko kung saan siya pumupunta.

"Anong ginagawa mo, 'ma?" takang tanong ko sa kaniya.

Huminto siya sa paglalakad at matalim siyang tumingin sa'kin.

"Ano pa! Isinisilid ang mga gamit mo." sagot niya saka itinuloy ang ginagawa niya.

Hawak niya ang mga damit ko. Marahan na inilibot ko ang tingin ko dulo ng kama ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil inilalagay niya sa loob ng maleta ang lahat ng gamit at damit ko.

"Ma! Ano 'yang ginagawa mo? Bakit sinisilid mo na 'yan diyan sa maleta?" Mabilis akong umalis sa kama at lumapit sa kaniya. Pinigilan ko ang ginagawa niyang pag-eempake.

Tumayo siya nang maayos at nakapawengan na hinarap ako.

"Hindi porket hinahayaan kita diyan sa ginagawa mong paglalamyarda, at 'yang walang tigil mong pag-iinom ay namimihasa ka na. Oras na para itigil mo 'yan. Sinisira mo lang ang buhay mo dahil sa ginagawa mo." mahabang panenermon na naman niya.

"Mama naman, e. Umiinom at gumagala lang naman ako. Isa pa, hindi pa naman sira ang buhay ko." depensa ko sa sinabi niya.

Nagulat ako ng ihampas niya sa'kin ang hawak niyang blouse ko. Nagpatuloy siyang muli sa ginagawa niya.

"Hihintayin mo pa rin bang masira ang buhay mo?" taas kilay niyang tanong.

Lihim na pinunasan ko ang kanang tainga ko dahil magsisimula na naman kami sa sermon niya. Marahan ko ring hinaplos ang braso kong hinampas niya.

"Okay! Okay, tama na. Kagigising ko lang ho. Ayoko pong mag-almusal ng sermon ngayon." wika ko,

Tiningnan niya ulit ako nang masamang tingin. Nag-peace sign naman kaagad ako. Mahirap na baka gumalaw na naman nang mabilis ang kamay niya. Dumampot na naman ng isang bagay at maibato pa sa'kin.

"Maiba po tayo. Bakit ba ine-empake mo mga gamit ko? Pinalalayas mo na ba ako? Wala akong natatandaan na lumabag ako sa patakaran mo." nauuyam kong wika.

Nagagawa ko ngang pumunta sa mga party at mag-inom nang inom pero limitado pa rin ang bawat galaw ko. Sa tuwing lalabas ako lagi niyang pinapaalala na bawal akong mag-jowa, bawal lumapit sa mga lalaki, bawal kumapit o dumikit man lang sa lalaki. Kaya nga hanggang ngayon ay single pa rin ako na bagay na pabor naman sa'kin. Mga manliligaw ko nga ay siya ang nagtataboy.

Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon