Tatlong linggo na mula ng umalis ako sa mansion ni Jackross. Nanatili lang ako rito sa kuwarto nang hindi kumakain, tanging alak lang ang laman ng tiyan ko. Hindi naman kasi ako nakararamdam ng gutom. Gusto kong magpakalasing nang mawala naman itong sakit na nararamdaman ko pero wala, e.Hindi ako nalalasing kahit hindi ko na mabilang kung ilang malalakas na alak ang nainom ko.
Nandito ako ngayon sa terrace. Kalulubog lang din ng araw. Napalingon ako sa isang kulay violet na butterfly. Pinadapo ko ito sa aking daliri. Then, naalala ko si Lavender sa mansion ni Jackross.
Nawala ang ngiti ko. Tumingin ang mga mata ko sa likuran ko nang maramdaman ko si Serena.
"I know you are not okay, but I think nasa wisyo ka na at puwede na kitang makausap." saad niya, pumuwesto siya sa aking harapan at sumandal sa railings.
Kumuha rin siya ng isang bote ng alak at bumalik din sa puwesto niya kanina.
"Mukhang kinain mo ang mga sinabi mo noon." simula niya.
"Mukhang ikaw ang natalo sa deal ni'yo." dugtong niya saka uminom.
Tumawa siya, "Sinabi ko naman sa'yo, hindi mo magagawang pasukin ang puso ng isang Warner. Suntok sa buwan kung magawa mo iyon. Si Jackross Frivo Warner ba naman ang kinakalaban mo. Ang taong kasing TIGAS ng bato ang puso. Ang taong iisang tao lang ang laman ng puso." sambit niya,
"Pero alam mo bang, suwerte talaga ng isang babae kapag ang isang Warner ay mapa-ibig niya. Why? Kasi loyal ang mga Warner, at isang halimbawa si Jackross." she continued.
"Kita mo naman, ilang taon na ang lumipas pero mahal niya pa rin ang first love niya. Kahit mga bata pa lang sila ng huli silang magkita. Na kahit alam niyang engaged na siya sa iba pero hinanap niya pa rin ito. At kahit na kasal na siya, pinili niya pa rin ang first love niya." patuloy niya.
"Kahit mga paint niya ay tungkol sa first love niya." bitter niyang dugtong.
Hindi ko mapigilang hindi siya pagtaasan ng kilay kasi hindi ko alam kung kino-comfort niya ako, o kung ano.
Nahinto siya dahil mukhang napansin niya ang pagtitig ko sa kaniya. Nginitian niya ako.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na, hindi ikaw 'yan. Hindi ikaw ang tipong babaeng magmumukmok at magkukulong sa loob ng isang silid para lang sa isang taong mahal mo." seryoso niyang saad sa akin.
"I mean, hindi ko sinasabing hindi ka dapat umibig. Katunayan nga ay masaya ako dahil marunong ka pa lang magmahal. Na Ang taong kagaya mo ay tatamaan din pala ni kupido." natatawa niyang wika.
Dumako ang tingin ko sa hawak niya. Kanina niya pa ito hawak, e.
"Say it," utos ko.
Tumingin siya sa hawak niya. Inabot niya ito sa akin.
"This is the last day of your mission." saad niya,
Inabot ko ito saka binuksan. Mapakla akong natawa sa laman nito.
"Kung handa ka ng makaharap siya. Nakahanda na ang iyong damit. Hintayin kita sa labas. Fix yourself, Gacianna." Tinapik niya ang balikat ko.
Palabas na siya pero huminto siya.
"Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon mo ngayong gabi. Gusto kong malaman mo na susuportahan kita sa desisyon, pero ---" Pinutol niya ang kaniyang sasabihin saka humarap muli sa'kin.
"Please! Choose yourself. I don't want to lose you. Ayokong mawala ang kaibigan ko. Wala na kasi akong matatagpuan na kasing galing mo. Pero ganoon pa man, whatever you're decision, I will support you no matter what." marahan niyang saad.
BINABASA MO ANG
Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)
RomanceGacianna is well-known as a drunkard and rebellious woman. You can count on her showing up whenever there are gatherings and celebrations. The freedom she was previously experiencing abruptly vanished when she met Jackross, whom she referred to as "...