Chapter 28

178 7 0
                                    


Marahan kong tiningnan ang kamay kong hindi mawalan ng sugat. Hindi na gumagaling ang sugat na nasa palad ko. Napabuntong hininga na lang ako.

Lumabas ako ng banyo. Napansin kong nasa terrace si Jackross. Lumapit ako sa kaniya. Busy siya sa ginagawa niya. Mayr'on yata siyang meeting.

Walang ingay akong umupo sa vacant seat na nasa harapan niya. Gusto sana siyang kulitin kaso lang ay busy siya. Nanahimik na lang ako. Tiningnan ko ang mga folder na nasa table. Binasa ko ang ilan. Pampalipas ng oras.

Thirty minutes na akong nagbabasa pero hindi pa rin tapos si Jackross. Nakita kong hinawakan niya ang coffee cup niya pero wala na itong laman.

"Ako na," Tatayo na sana siya pero pinigilan ko na.

Tumayo ako at kinuha ang coffee cup niya. Pumunta ako ng kusina. Pinagtimpla ko siya ng coffee. Natapos din naman kaagad ako.

Nakangiting bumalik ako sa terrace pero bigla akong nahinto at nawala ang ngiti ko.

"How is she? I can't visit her today. I'm on a business trip. I'll go back as soon as I finish my business here." Rinig kong saad niya sa kausap niya.

Pero alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

Lumabas ako ng mayroong ngiti sa labi.

"Your coffee," sambit ko saka nilapag ang cup sa tabi ng laptop niya.

Tiningnan niya ako saka sumenyas siya na huwag akong maingay. Nawala ang ngiti ko, tumayo siya at iniwan ako rito sa terrace.

Napalingon na lamang ako sa kalalapag kong coffee. Hinayaan ko na lang ito. Tiyak akong babalik din ito kaagad kasi mukhang busy at importante ang ginagawa niya.

Kinuha ko ang isang upuan. I decided na ilapit ito sa railings. Pagkatapos kong mailagay ang upuan, umupo ako. Tumingala ako at ipinikit ang aking mga mata at dinama ang hangin.

Ganoon lamang ako hanggang sa naramdaman kong mayr'ong taong dumating. Marahan kong iminulat ang aking mga mata.

"Are you done checking her?" I murmured to myself.

"Huh?" Ramdam kong lumingon siya sa akin.

Nawala ang tingin niya sa phone niya. "Mayr'on ka bang gustong sabihin?"

Seryoso akong tumingin sa harapan.

"Kaya mo bang bitawan ang ginagawa mo para sa akin?" mahina ko pa ring ani.

Nakawawalang gana kasing kausapin siya kung alam mong nag-aalala siya para sa ibang tao. Narito siya, kasama ko siya, pero hindi ko siya kasama ng buo. Nasa pilipinas pa rin ang puso at isip niya.

"Kapag ba,,,namatay ako,,,mag-aalala ka rin?" mahina kong sabi, halos pabulong na nga, e.

"Kapag ba,,,nawala ako,,,iisipin mo rin bang minsan akong dumating sa buhay mo?" dugtong ko.

"Tell me why do you want? Say it directly. Stop being so sensitive and dramatic." he said with sarcasm.

Natawa ako. Seryoso akong tumingin sa kaniya.

"Do me a favor." malamig kong sambit. "If you grant me that favor, I will never bother you again." I continued.

Mayr'on din kasi akong gustong kompirmahin sa sarili ko.

"What is it?" he asked.

"Let's have a date today." seryoso kong sabi.

Babalik na kami bukas kaya itong araw na lang ang chance ko.

"And the second is?" he asked again.

"Fucos on me. Wala kang ibang iisipin. Iwan mo ang lahat. Ang business thing mo at ang taong mahal mo. Ako lang,,,ako lang sa araw na ito at wala ng iba. Just today, isipin mong mahal mo ako. Kahit ngayon lang ay isipin mong tunay tayong mag-asawa." I answered.

Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon