Maaga akong gumising ngayon. Naisipan kong mag-jogging ngayong araw. Hindi na kasi ako nakakapag-exercise. Since malawak naman ang place ni Frivo, malawak din ang matatakbuhan.Napansin kong hindi talaga village ang lugar niya. Mukhang siya ang nagmamay-ari ng buong lupain. Mala-village style lang ang entrance niya. At tanging ang mansion niya lang ang nakatayo sa gitna nito.
At kung titingnan, parang hindi lang isa ang siyang nagplano ng lugar. Sa tingin ko dalawang tao ang nagplano nito. Everything is prepared, e. Mayr'on din akong nakitang playground, I am sure it's for a kids. Mayr'on ding basketball court, small houses, tree house, at nasulyapan ko ang isang garden.
Tumigil ako sa pagtakbo. Tumingin ako sa araw na unti-unting lumilitaw. Tinitigan ko ito hanggang sa tuluyan na siyang makita.
"My daughter, n-no matter what, be a good girl and make s-sure you will have a g-good life."
Muli akong tumakbo pero pabalik na ng mansion. Pagkapasok ko sa mansion, si Zart kaagad ang nakita ko. Nang maramdaman niya ako ay agad siyang humarap sa'kin. Ngumiti siya sa'kin.
"Good morning, Mrs. Warner." malawak niyang bati.
Hindi ko na pinansin ang tinawag niya sa'kin. Mukhang matigas din ang bungo niya. At feeling ko, nang-aasar na rin siya kaya pabayaan na natin.
Simpleng pagtango na lang ginawa ko bilang tugon sa kaniya. Tumungo ako ng kusina para kumuha ng Gatorade. Pagkalabas ko ulit, nakita ko namang pababa ng hagdan si Frivo.
"Good morning, Frivo!" masigla kong bati sa kaniya.
Sinulyapan niya lang ako.
"Where are you going? Hindi ka papasok today? Mayr'on ka bang meeting?" sunod-sunod kong tanong.
Nakasuot siya ng business attire. Hindi niya pa rin ako pinansin. Pinagmasdan ko siya. He looks more great in his outfit.
"Can I come with you?" tanong ko.
Napalingon siya sa gawi ko. Tinaasan niya ako ng kilay as if mayr'on akong nasabing hindi maganda.
"What? Bawal din ba?" takang tanong ko, lumingon pa ako kay Zart. Umiwas naman siya ng tingin sa'kin.
Napasimangot ako. "Ano ba 'yan? Ang boring mo naman! Pati ba naman 'yon bawal din. Hindi rin ba ako allow makita business mo?" himutok ko.
"Why w---" Kaagad ko ng pinutol ang sasabihin niya. "Oo na, wala akong karapatan. I get it."
Hindi na ako lumingon sa kaniya. Tumalikod na ako. "Ingat na lang." Patalikod akong kumaway.
Umakyat ako ng hagdan. Muli akong tumingin sa kinaroroonan ni Frivo pero wala na siya roon. Umakyat na lang ulit ako ng hagdan at tinungo ang kuwarto ko. Mabilis din naman akong naligo at nagpalit ng damit.
Napabuntong hininga ako dahil habang lumilipas ang araw ay pabagot nang pabagot ang araw na dumarating at lumilipas sa'kin.
Busy ngayon sa trabaho si Serena. Hindi siya puwedeng abalahin. Kinuha ko ang aking bag saka lumabas ng kuwarto ko. Narating ko kaagad ang garage. Tinapon ko sa passenger seat ang bag ko pagkasakay ko sa kotse.
Pinaandar ko ang sasakyan. Sa pagtapat ko sa gate, kusa itong bumubukas. Agad na akong lumusot.
Binuhay ko ang radio para magkaroon naman ng ingay sa loob ng kotse. Nalibang ako sa pakikinig ng music hanggang sa napansin kong papasok na ako sa loob ng university. Tinungo at nag-park kaagad ako.
Tinatamad na tinungo ko ang building at classroom para sa subject namin. Bagot akong umupo. Lumipas ang ilang minuto ay napuno nang studyante ang silid. Sa labas lang ako nakatingin.
BINABASA MO ANG
Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)
RomanceGacianna is well-known as a drunkard and rebellious woman. You can count on her showing up whenever there are gatherings and celebrations. The freedom she was previously experiencing abruptly vanished when she met Jackross, whom she referred to as "...