Chapter 30

176 7 0
                                    


Isang linggo ko ng hindi nakikita si Jackross. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko at kung minsan ay cannot be reach ang line niya. Hindi naman siya nagre-replay sa mga messages.

Hindi rin nagagawi rito sa mansion si Zart. Maging sa school ay hindi ko siya makita. Hindi ko pinansin si Sadler. Panay ang salita niya pero wala naman akong naririnig at naunawaan sa mga sinasabi niya.

Sinalpak ko na lang ang earphone sa tainga ko saka natulog. Wala talaga ako sa mood ngayon.

Naalimpungatan ako ng gisingin ako ni Sadler. Niyaya niya ako na pumunta sa canteen. Sumama na lang din ako kahit hindi ako nagugutom.

Pagkaupo ko sa upuan ay sa labas na ako tumingin. Hindi ko pinansin ang pagdating nila Darrie, Dan at Belinda. Wala akong panahon makipag-trash talk kay Darrie.

Hindi ko sila tinitingnan. Abala ako sa pagtitig sa labas hanggang sa naging kakaiba ang atmosphere sa paligid. Napalingon ako dahil tila naging tahimik ang buong lugar. Sa paglingon ko, una kong nakita si Jackross.

Marahan akong tumingin sa katabi niya.

"Hi, I am Yra Cuarez, Jackross fiancee." pakilala ng kasama niya.

Lihim akong napangiti ng mapait.

That's it!

She's here,

Narito na ang original na nagmamay-ari sa kaniya.

"Guys, she's the girl I am talking about. She's my first love I had been searching for the long years." Jackross stated.

"Yra, they are my friend." Isa-isang binanggit ni Jackross ang pangalan namin.

Tipid na ngiti ang ginawad ko sa kanila. Umupo sila pareho. Sa labas na lang din ako tumingin muli. Ayokong makita ang ka-sweetan nila.

"Ahm, guys. You are invited to my birthday day this coming weeks." Binigyan ng first love ni Jackross ang bawat isa ng invitation.

Tumayo ako, "Excuse me,"

Umalis na agad ako at tumungo sa restroom. Hindi pa man ako nagtagal ay pumasok din si Yra.

"Hi, I know who you are. You are my fiancee ex-wife." saad niya,

"He told me about it. I'm sorry and thank you for letting him free from your unwanted marriage." nakangiting dagdag niya.

Hindi ako nagsalita. Inabutan niya rin ako ng invitation. Nang hindi ko ito kinukuha ay nilapag niya ito sa sink.

"I hope na makapunta ka rin." saad niya saka lumabas. Kinuha ko na lang ito. Napagpasyahan kong umalis na lang ng campus.

Umuwi ako ng mansion ni Jackross. Hindi na ako belong dito. Oras na para umalis ako. Aakyat na sana ako ng mayr'on akong naalala.

Bigla akong nahinto sa paglalakad at napalingon sa isang pinto. Napatitig ako sa pintong 'yon. Tumingin muna ako sa paligid bago marahang humakbang patungo roon.

Ito ang kuwartong hindi puwedeng pasukin ng kung sino. Madalas kong makita rito na lumalabas si Jackross. Curious ako sa loob nito. Hinawakan ko ang doorknob. Pagpihit ko ay natigilan ako dahil naka-locked siya.

Kinuha ko ang pin na nasa buhok saka walang hirap na binuksan. Napangiti ako dahil nabuksan ko siya agad. Binalik ko sa buhok ko ang pin saka binuksan ang pinto. Pumasok ako sa loob. Madilim kaya binuksan ko I switch on the light.

Pagkabukas ay bumungad sa akin ang mga paintings. Marahan akong humakbang paloob habang tiningnan ang mga nakapinta. Mapakla akong natawa.

As expected, hindi na nakagugulat pa kung ang laman ng kuwartong ito ay puro mukha ng taong mahal niya. Lahat ng anggulo ay na-paint ni Jackross. Grabe naman ang pagmamahal niya kay Yra. Kailanman ay hindi siya nawala sa puso ni Jackross.

Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon