Chapter 4

257 9 0
                                    


Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Kunot noo akong tumingin sa paligid ko. Bakit parang ang tahimik naman ng gising ko? Ganitong oras ay dapat nanggigising na si mama. Siya kasi ang alarm ko. 

Anong oras na ba? Inaantok na sinilip ko ang orasan. Eleven na pala. Pilit na bumangon ako. Anong araw ba ngayon?

Ny*ta! Ang sakit na naman ng ulo ko. Napasobra na naman ako nang saya kagabi. Nilinis ko ang mga mata ko saka tumingin muli sa paligid.

Nang ma-recognize ko ang paligid ko. Napa-O ng bibig na lang ako. Oo nga pala. Wala nga pala ako sa bahay. Naiiling na umalis ako sa kama at dumeritso sa banyo. Kaagad akong naghilamos ng mukha.

Ilang minuto rin ang ginugol ko para makapag-ayos ng sarili. Sa paglabas ko sa banyo, biglang sumagi sa isip ko na lunes ngayon. May pasok na pala ngayong araw pero hindi ko alam kung saang university ako papasok.

I am a fourth year college taking Bachelor of Arts in Photography at Gweyan University. Speaking of Photography, kinuha ni Roelyn ang camera kong ginagamit. Ang bruha talagang iyon wala ng maginawa sa buhay kun'di pakialaman ang mahahalagang gamit ko.

Lalabas na sana ako nang marinig ko ang phone ko. Hinanap ko sa katawan ko ang phone. Nang hindi ko siya mahanap. Pinakinggan ko nang maigi kung saan nanggagaling ang tunog.

Napadako ang tingin ko sa isang mini cabinet na nasa kanang bahagi malapit sa kama. Lumapit ako at binuksan ang unahang drawer. Agad na bumungad sa'kin ang phone ko. Dito ko ba nilagay ang phone ko kagabi?

Kinuha ko ito at sinagot ang tawag ni Serena.

"Babaeee!" malakas na bati niya sa'kin.

Sinara ko ang drawer. Tuluyan na rin akong lumabas sa kuwarto dahil nanunuyo na rin ang lalamunan ko.

"How are you? Nagawa mo bang makauwi ng buo? You are worst wasted last night." Rinig ko sa kabilang linya.

Kasalukuyan akong pababa ng hagdan.

"Am I?" bagot kong tugon.

Pagkarating ko sa kusina. Pinindot ko ang loudspeaker saka inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang phone. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig.

"Bruha ka. Wala ka bang maalala sa nangyari kagabi? Maging kung paano ka nakauwi at nakatulog nang matiwasay?" Ramdam ko ang pagtaas ng kilay niya. Sandali akong natigilan at nag-isip dahilan para hindi ako nakasagot.

Inalala ko ang nangyari kagabi maging kung paano nga ako nakauwi nang maayos. Pero bigo ako dahil wala namang pumasok sa isip ko.

"Tsk! Tsk! Tsk! Napaka mo talaga." reklamo ni Serena.

Mostly kasi hindi ko na inaalala pa ang mga nakalipas. Ang mahalaga ay buhay, buo at maayos akong nakauwi. May sarili yatang utak ang katawan ko kapag lasing dahil sa tuwing imumulat ko ang aking mga mata ay maayos akong nakahiga sa kama like nothing happened.

At saka, mang-tsitsismis lang talaga 'yang si Serena kaya ganiyan siya kung makaintriga. Mayr'on lang na mailathalang tsismis sa tao.

"Ano bang klaseng memorya mayr'on ka? Hindi man lang marunong umalala." Alam kong nakabusangot na naman mukha niya.

"Sige nga, ano sa tingin mo ang nangyari? Bakit ba tanong ka ng tanong? Ikaw lang naman naghahatid sa'kin sa harap ng gate ng bahay." lintanya ko.

Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon