Kagaya ng nauna, bago makapasok sa kotse si Frivo ay nauna na akong lumusot sa loob. Natigil ang pagsusuot ko ng seatbelt nang bumukas ng pinto sabay hila sa'kin palabas."Anong?" hindi makapaniwalang react ko.
Mabilis siyang bumalik muli sa loob saka iniwan niya akong nakatayo.
"What the!" Talagang hinulog niya pa ang bag ko, ah.
Ano na naman bang drama mayr'on ang lalaking 'yon?
"Mrs. Warner," Rinig kong tawag sa'kin.
Inis kong pinulot ang bag ko. Marahas kong nilingon si Zart. Isa pa 'tong lalaking 'to. Hindi marunong makaintindi.
"What?" silyak ko sa kaniya.
Siguruhin niya lang na maganda ang reason niya sa patuloy na pagtawag sa'kin ng Mrs. Warner dahil kung hindi ko magugustuhan ang reason niya, may paglalagyan siya sa'kin.
Inangat niya ang kaniyang kamay. Nakita kong mayr'on siyang hawak na susi. Lumapit siya sa'kin at inilagay sa palad ko ang hawak niya.
"Mr. Warner want you to give this key." ani niya sabay tingin sa isang kulay puting kotse.
Hindi na ako nagsalita pa. Ano bang aasahan ko kay Frivo? Talagang binigyan na niya ako ng sarili kong kotse para lang hindi kami sabay na pumasok ng school.
Inis akong pumasok sa kotse. Padabog ko ring sinara ang pinto. Iyong tipong masisira talaga pero mukhang matibay ang kotse dahil walang nangyaring damage sa kaniya.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan, pagkarating ko sa gate ay bukas na ito kaya madali na lang akong nakalabas.Bumalik na naman sa dati ang lalaking 'yon. Nakabalik na sa reyalidad ang soul niya. Sa sobrang lamig at sungit niya ay kusa ng lumayas ang nagsapi sa kaniya.
******************
Pagkababa ko pa lang sa kotse ay pansin ko na kaagad na pinagtitinginan nila ako. Siguro dahil sa ginawa ko two weeks ago. Baka nagtataka sila kung bakit ako narito pa. Kasi 'di ba? Hindi isang simpleng bagay ang ginawa ko. Hindi naman ako nagsimula, e.
Pinagsawalang bahala ko na lang ang mga mata nilang mapanuri at mapagmatyag. Dumeritso na agad akong classroom. Nang makarating ako sa room. Umupo kaagad ako sa upuang unang nasulyapan ko. Malapit siya sa bintana kaya walang pagdalawang isip na doon umupo.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang professor namin. Pinadaanan niya ako ng tingin pero ilang segundo lang 'yon. Nagsimula na siya agad na mag-discuss ng itururo niya for today.
Hindi ako nakikinig sa kaniya. Kung saan-saan tumitingin ang aking mga mata hanggang sa huminto sa labas ng bintana. Ipinatong ko ang aking chin sa kanang kamay ko. Nawili akong pagmasdan ang mga nagsasayawang mga dahon at sanga. Nasa third floor kami at mayr'ong isang malaking puno ang nasa tapat namin.
"Ms. Gacianna," Rinig kong tawag sa'kin pero hindi ko iyon nilingon.
Nakarinig ako ng parang katok pero nanatili pa rin ang tingin ko sa labas. Ang ganda kasing pagmasdan at tila ang bawat tunog nitong nililikha ay parang musika sa pandinig ko. Ipinikit ko ang aking mga para mas madama ko ang sounds na naririnig ko.
Ilang segundo pa ay napapitlag at nagulat ako ng isang malakas na tunog akong narinig mula sa unahan. Marahan akong lumingon sa aming professor. Kita kong masama siyang nakatingin sa'kin. Napalingon ako sa aking mga kasama. Lahat sila ay nakatingin din sa gawi namin.
"Are you listening, Ms. Polarez?" the professor asked.
"I am." kalmado kong tanong.
"Why are your eyes not with me? Your whole attention is on that thing outside the window." saad niya,
BINABASA MO ANG
Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)
RomanceGacianna is well-known as a drunkard and rebellious woman. You can count on her showing up whenever there are gatherings and celebrations. The freedom she was previously experiencing abruptly vanished when she met Jackross, whom she referred to as "...