Chapter 27

181 9 0
                                    


Kasalukuyan kong pinupunasan ng tuwalya ang buhok ko. Katatapos ko lang na maligo at kararating lang din namin. Yes, nakabalik na kami.

Pagkatapos ng kanilang activity ay nagsigayakan na rin sila sa para makabalik na. Ewan, para nga silang nagmamadali na hindi ko maintindihan.

Umupo ako sa kama. Napadako ang tingin ko sa portraits. Hindi ko alam pero marahan akong tumayo at lumapit dito. Agad na napadako ang tingin ko sa ibaba nito. Nakita ko ang nakasulat rito.

"Ivo?" basa ko sa nakasulat.

Bigla kong naalala ang nakita ko sa paint ni Jackross. Tiningnan ko ang kabuo-an ng portraits. Sinuri ko ito nang mabuti. Parehong-pareho ang pagkagawa, style at maging ang details.

Napangiti ako, mukhang nahanap ko na kung sino ang si Ivo. Mukhang si Jackross ang mysterious painter ng JaFri University.

I really love his paintings.

Isang idea ang pumasok sa isip ko. Tinapos ko munang ayusin ang sarili ko. Pagkatapos ko ay malawak na ngiting lumabas ako ng kuwarto.

Tinungo ko ang kuwarto ni Jackross. Kumatok ako ng tatlong beses.

"Hello," bungad kong bati ko sa kaniya na mayr'ong ngiti sa labi.

Bago niya pa isara ang pinto. Lumusot na ako papasok sa loob. Pagkapasok ko, namangha ako sa ganda.

"Wow!" mahina kong sabi.

Speechless ako sa ganda ng kuwarto niya. Malawak din ito kagaya ng akin pero mas lamang pa rin ito. Agad kong tiningnan ang mga gamit niya at sinuri ang mga ito.

Grabe! Lahat ng mga gamit niya ay milyon ang halaga. Pero may napansin lang ako. Bakit wala siyang mga picture rito na nakalagay. Kahit maliit na picture frame lang. Kahit nga 'yong picture ng first love niya ay wala rin rito.

"What are you doing here?" Rinig kong tanong niya na ikinahinto ko sa ginagawa ko.

Nakangiting humarap ako sa kaniya. Kibit-balikat lang ang sinagot ko. Napadako ang tingin ko sa kama niya. Tumakbo ako roon saka umakyat doon.

Umupo ako sa gitna nito at parang batang tumingin sa kaniya.

"I am sorry." hingi kong paumanhin. "Dito ako matutulog ngayong gabi. Hindi ako makatulog sa kuwarto ko, e." dugtong ko.

Nang makita kong umalis siya sa pagkasandal sa pintuan saka humakbang palapit sa kama. Mabilis akong humiga at nagtalukbong ng kumot. Binalot ko ng todo ang sarili ko nang hindi niya ako mapalayas.
Naramdaman kong nakatayo malapit sa akin si Jackross.

"Go back to your room, Gacianna." Rinig kong  mahinahon niyang pagkasaad.

Inalis ko ang pagkatalukbong ko sa kumot. Bumangon ako at humarap muli sa kaniya.

"Please! Kahit ngayong gabi lang." Nagpa-cute at nag-puppy eyes pa ako nang todo para hindi niya ako i-kick out.

"Promise, hindi kita guguluhin kung mayr'on kang gagawin. Tahimik lang akong matutulog. Please, hayaan mo akong matulog dito." pakiusap ko.

"Hindi ba sabi mo sasakyan mo lahat ng trip ko?" patuloy kong pangungumbinsi.

Pinagsiklop ko ang mga kamay ko. "Please! Please! Please! Hon, please!" patuloy kong pangungulit.

Napabuntong hininga siya saka tumango bilang pagsuko. Napa-yes ako at napasuntok sa hangin sa tuwa.

"Opps! Sorry," hingi ko ng paumanhin.

Bumalik na agad ako sa paghiga. Narinig ko ang pagtunog ng phone niya. Marahan akong lumingon sa kaniya. Nakita ko ang pagpunta niya sa terrace.

Umayos ako ng higa at hinayaan na siya. Lumipas ang ilang minuto ay naramdaman kong bumalik na siya. Nanatili akong pumikit. Naramdaman ko ang paglubog ng higaan at ang pagpatay niya sa lampshade.

Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon