Chapter 29

178 7 0
                                    


Napansin ko ang pagmamadali ni Jackross. Para siyang mayr'ong hinahabol na iwan. Agad nga siyang pumasok sa kotse, e. Nagmadali naman akong sumunod.

Nagulat ako ng biglang napapreno si Jackross na ikinagulat ko. Muntik pa akong mapasubsob at mauntog buti na lang mabilis na humarang ang mga kamay ni Frivo para harangan ang uuntugan ko.

Lumingon ako kay Jackross, "What the heck, Jackross! Magsabi ka naman kung prepreno ka nang makapaghanda naman ako." silyak ko sa kaniya.

Nangunot ang noo ko dahil seryosong nakatingin lang siya sa unahan. Kaya marahan akong sumilip upang tingnan ang tinitingnan niya. Napaayos ako ng upo dahil mayr'ong dalawang malaking van ang nakaharang sa unahan namin. Mabilis na nilingon ko ang likuran namin. At katulad ng nasa unahan, mayr'on ding van na nakaharang, lamang lang ng isa itong nasa likuran namin.

Lihim na napangisi ako. Kinalma ko ang aking sarili na maunang lumabas. Nae-excite lang ako. Pinipigilan ko ring ngumiti ng todo. Baka pagkamalan akong baliw nitong kasama ko kasi mayr'on na ngang nakaabang sa'min tapos heto ako, todo ngiti pa.

"Who are they?" tanong ko.

Sabay-sabay na bumukas ang pinto ng bawat van at lumabas ang mga armadong kalalakihan. Kumuha rin ng baril si Frivo saka isiniksik sa likuran niya. Hindi ko mapigilang hindi pagtaasan siya ng kilay. Ang laki ng mga dalang baril ng kalaban, tapos siya? Isang pistol gun lang?

Napagawi ang tingin ko sa pintuan ng mag-locked ito.

"Stay here! Whatever happens. Don't come out." mahigpit na bilin niya at pagkatapos ay binuksan niya ang pinto saka lumabas.

Don't come out?

Ano ako bata?

Pero sige,

Sumandal ako sa upuan at nanood lamang. Kasalukuyang nag-uusap sina Frivo at ang leader siguro ng mga mananambang. Muling dumako ang tingin ko sa likuran. Mas marami ang nasa likod kumpara sa nasa harapan. Bukod sa dala nilang mga baril. Ang ilan sa kanila, baseball bat at mga bagay na panghampas ang hawak.

Napadako ang tingin ko sa isang lalaking marahang naglakad-lakad patungo sa kotse. Maniac siyang nakatingin sa kotse. Napangiwi ako. Kung makatingin siya sa kotse ay parang babaeng nakahubad ang tingin niya. Grabe makatitig. Laway na laway, boy.

Narating niya ang pinto kung saan ako naroon. Mukhang hindi niya nakikita ang loob. Naghihintay ako ng gagawin niya. Hindi ako nagulat nang nabuksan niya ang pinto. Tinanggal ko ang pagka-locked nito kaya madali lang niya itong nabuksan. Marahas niya akong hinila palabas ng kotse.

"Jackross! Kay ganda naman nitong kasama. Puwede bang i-share mo naman siya sa akin." ani ng lalaking humahawak sa akin.

Napalingon sa gawi ko si Jackross. Pilit na pumiglas ako para makawala pero ang higpit ng kapit niya sa braso. Feeling ko nga magkakapasa ako.

"Let her go," malamig na utos ni Jackross.

Humagalpak ng tawa ang taong kausap niya kaya dito naman siya tumingin.

"Jackross! Jackross! Nasa kaniya ba talaga ang concerns mo? Kasi kung oo, kawawa naman ang babaeng nakaratay sa hospital." nakangising sambit ng lalaki sa kaniya.

Mayr'on sa kaniyang pinakita sa phone. Kung hindi ako nagkamali ng tingin, mukhang ang tinutukoy niya ay ang babae niya.

"Opps! Huwag kang magkakamali, maling kilos mo lang. Mamamatay ang taong mahal mo." Dumako ang tingin ng lalaki sa akin.

Humakbang siya palapit sa kinaroroonan ko. Nakita ko ang paglabas niya ng dagger. Marahan niyang hinaplos ang dulo nito sa mukha ko.

"Sino ang mas pipiliin mo? Ang babaeng nasa harapan mo, o ang babaeng hinihintay mong magising?" marahan ngunit mayr'ong diin na tanong nito.

Kalmado lang akong nakatayo, hinihintay ang gagawin niya.

"Dare to lay a finger on her, Caldus! Everything you have will be all nothing." malamig na sambit ni Jackross.

"Which girl, Jackross?" Tila natutuwang tanong muli nito.

Humigpit ang pagkahawak sa akin. Naramdaman ko ang pagsulyap sa akin ni Jackross. Bigla akong natawa na ikinalingon sa akin ng lalaking nakatayo sa harap ko.

"Huwag kang tanga! Alam kong alam mo kung sino ang pipiliin niya. Malamang iyong taong mahal niyang nasa hospital ang pipiliin niyang maligtas." mapakla kong wika.

"Ano bang gusto mo? Nang matapos na ito." bagot kong dugtong.

Hindi na ako nakapagtiis. Sinipa ko nang malakas ang lalaking nakahawak sa braso ko sa kaniyang below the belt. Agad niya akong nabitawan. Sunod na sinipa ko ay ang dagger na nasa kamay nitong lapastangan.

Tumilapon ito sa ere. Tinadyakan ko nang malakas sa mukha ang lalaking sumugod sa akin. Sinalo ko ang dagger saka ibinato sa lumapit muli sa akin. Sa noo ko siya pinatamaan.

Nang tumingin ako kay Jackross. Nakikipaglaban na rin siya. Umiwas ako sa atake ng isa pang lalaki. Kinuha ko mula sa kamay niya ang panghampas na bakal saka inihampas sa kaniya.

Mula sa marami ay naging unti sila. Paglingon ko kay Jackross. Nakita ko ang lalaki banarilin siya. Mabilis kong nahugot ang dagger. Walang atubiling binato ko ito sa lalaki. Sumakto ito sa noo niya.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Lahat ng lalaking umabang sa amin ay tumba na lahat. Napalingon ako kay Jackross nang marinig ko ang pagtunog ng phone niya. Sinagot niya ito agad, nakita ko ang paglambot ng mukha ni Jackross.

Sa unang pagkakataon, nakakita ako ng emosiyon mula sa mukha niya. Kita ko ang saya sa kaniyang mukha.

"You can go to her. Kaya kong umuwi ng mag-isa." nakangiting wika ko.

Isang ngiti ang binigay niya sa akin. Dali niyang pinuntahan ang kotse saka pinaandar ito. Tanging pagsunod sa kotse na lang nagawa ko.

Mapakla akong natawa.

Wala na, tapos na ang oras na hiningi ko. Narito na kami sa pilipinas, e. Lugar kung saan hindi ko siya pagmamay-ari. Lugar kung saan hindi siya sa akin.

Nakalulungkot lang, ako ang asawa pero ako pa ang namamalimos ng pagmamahal. Ako ang humihingi at uma-adjust sa babaeng mahirap kalabanin.

Nawala ang ngiti ko nang bigla akong napaluhod kasabay nito ang pag-ubo ko ng dugo. Napakapit ako sa aking dibdib nang sumikip ito bigla.

Damn it!

Mukhang lumalala ang condition ko.

Marahan akong tumayo, pero muli akong umubo ng dugo pero ngayon mas marami ang inubo ko kumpara kanina. At mas lalong sumikip ang dibdib ko. Napahiga ako sa lupa, agad na dumako ang tingin ko sa kalangitan.

Nagawa ko pang mai-angat ang aking palad. Naramdaman ko ang pagbaba ng talukap ng aking mga mata hanggang sa puro dilim ang aking nakita.

TheKnightQueen 🍀

Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon