Nang magsawa na ako sa pagbabad sa bathtub. Tumayo at tumungo na ako sa shower room para makapag-ayos na ako sa pagligo. Habang nasa tapat ako ng shower. Napadako ang tingin ko sa salamin. Marahan na hinawakan ko ang nakita kong mga bruises. Maging ang labi ko ay may sugat din. Ang sasakit din ng buo kong katawan.Napailing na lang ako.
Nang matapos ako, sinuot ko ang bathrobe saka lumabas dala ang tuwalya. Pagkalabas ko sa banyo agad na pinunasan ko ang buhok para matuyo.
"Gacianna?" Rinig kong tawag sa'kin. Napahinto ako sa pagpupunas at gumawi ng tingin sa tumawag sa'kin.
"You?" tanong niya, marahan siyang lumapit sa'kin. "In case you forget, I am your beautiful bff, Serena." pakilala niya sa kaniyang sarili.
Tiningnan ko siya nang maigi saka tinaasan siya ng kilay. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Tumapat ako sa salamin.
"Oy! Gacianna, magsalita ka na naman. Tinatakot mo naman ako, e." sambit niya, "saka ayos ka na ba? May masakit pa ba sa'yo? Bakit ka umalis agad sa kama mo?" dagdag niya, bakas sa boses niya ang pag-alala.
Nanatili akong walang imik. Wala kasi ako sa mood magsalita.
"Okay ka na ba talaga?" tanong niya ulit.
Humugot ako nang malalim na hininga. Bagot akong tumingin sa kaniya. Nakataas ang kilay na tiningnan ko siya.
"Can you please shut your mouth. Ang sakit sa tainga, e." malamig kong saad.
Namilog ang kaniyang mata at napanganga.
"Tsk!" I hissed.
Inilapag ko ang tuwalya sa ibabaw ng kama.
"Oh my god!" Rinig kong wika niya.
Tumingin ako sa paligid ko. Pinagmasdan ko ito.
"You're back! I think you are fully recovered. I don't need to worry, and I can stop overthinking." wika niya, hindi nakaligtas sa'kin ang pagngiwi niya.
Tumungo siya sa couch saka pabagsak na umupo. Para siyang pagod na pagod sa itsura niya.
Natigilan ng mata ko ang isang bag. Humakbang ako patungo roon. Kinuha at hinawakan ko ito. Marahan na binuksan at bumungad sa'kin ang isang maliit na box. Binitawan ko ang bag at tinuon ang atensiyon ko sa hawak ko.
Binuksan ko ito, bumungad sa'kin ang isang syringe at ang walang lamang maliit na bote. Mapakla akong tumawa dahil naunawaan ko na ang nangyari sa'kin.
"Your trauma has triggered you again." komento ni Serena.
Sinara ko ulit ang hawak-hawak ko at binalik muli sa loob ng bag.
"I see." maikli kong tugon.
"Ow! Bigla kong naalala. Natupok nang apoy ang studio mo. What do you want to do about it?" Serena asked.
"Rebuild it." maikli ko pa ring tugon.
Humarap ako sa kinaroroonan ni Serena.
"Why are you still here?" I asked.
Tumingin siya sa'kin. "Well, hinihintay kitang magising, and I want to see you and make sure you are okay." Tumayo siya.
"Since you are fine. At mukhang maganda ang paggising mo. I gotta go. Baka kasi pagbalik ng asawa mo ipakaladkad na ako palabas. Pumasok pa na man ako rito ng walang permiso sa kaniya." wika niya,
"Pero impyernes, hah. Tunay nga na maganda ang lugar ni Warner. Suwerte mo sa asawa mo. Kaya kang buhayin sa mahabang panahon." she added.
Lumapit siya sa bag saka isinabit sa ito sa kanang balikat niya.
BINABASA MO ANG
Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)
RomanceGacianna is well-known as a drunkard and rebellious woman. You can count on her showing up whenever there are gatherings and celebrations. The freedom she was previously experiencing abruptly vanished when she met Jackross, whom she referred to as "...