Napamura ako sa aking isip ng hindi ko na siya naabutan at nakita. Pero nagawa kong makapasok sa loob ng tinatawag kong palasyo. Ang problema ay hindi ko alam kung saang lumusot ang damuho."Ang bilis naman maglakad ng lalaking 'yon." gigil kong wika.
Paglingon ko sa bandang kaliwa ko ay nakita ko ang dalawang maleta ko. Maayos na nakalagay katabi ng couch. Lumapit ako ako roon. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko. Tinawagan si mama.
"Aish! Sagutin mo ang phone." anas ko,
How come talagang naging mag-asawa kami. Naka-ilang tawag na ako pero wala pa ring sumasagot sa tawag ko hanggang sa hindi ko na ito makontak. Inis na naibato ko ang phone sa couch. Nailagay ko sa baywang ko ang dalawa kong kamay. Panay din ang tap ko sa sahig. Malalim na pag-iisip ang ginawa ko. Kagat labi kong hinalungkat sa kukute ko kung mayr'on ba akong katangahang ginawang hindi ko maalala.
"Dammit! Think Gacianna!" kausap ko sa sarili ko. Pilit na inaalala ang mga ginawa ko.
"There's no need to think because none of us planned this marriage." Mabilis na nilingon ko ang nagsalita.
Nakita ko ang papalapit na Jackross. Ang taong pinakilala ang sarili na asawa ko. Nakita ko ang kaniyang pagsenyas. Lumingon ako sa likuran ko. Nakita kong nasa likuran ko na si Zart. Lumapit siya sa'kin. Mayr'on siyang inabot sa'kin na brown envelope na kaagad ko namang kinuha at tiningnan ang laman.
It's a marriage certificate of us. Paanong naging legal ang marriage certificate na 'to? Dumako ang tingin ko sa pinakadulo ng papel. Malinaw na nakasaad doon ang pirma naming dalawa. Isang patunay din na nagpirma kami.
"Paanong? Paano tayo nagkaroon ng pirma rito?" malaking pagtataka ko.
"I have no idea what tricks our parents played. We just need to give them what they want right now." Umupo siya sa isang single couch.
"What? Give what they want?" shocked kong wika.mmm
Tumingin siya kay Zart saka simpleng tumango rito. Dumako ang tingin ko sa likuran at kunot noong tumingin kay Zart na lumapit naman sa'kin. Mayr'on siyang inabot muli, isang color blue na folder naman ito.
"Read them carefully." Rinig kong utos ni Jackross sa'kin.
Napasulyap ako sa kaniya nang maramdaman kong tumayo siya. Ngayon ko lang napansin na naka-business attire siya.
"Go upstairs. Your room is the one with the door open." malamig niyang wika.
Pagkatapos niyang magsalita ay tuluyan na siyang nawala sa paningin.
"Wow! Just f*cking great!" inis kong anas pagkaalis ng dalawa.
Napatingin ako sa hawak ko. "Tsk!" Itinapon ko ang folder sa couch. Lumapit ako sa gilid nito saka hinablot ang mga maleta ko.
Pagbasa ko pa lang sa unahan, alam ko ng mga rules ang laman ng folder. Kaya nawalan ako ng gana pang basahin. Sino siya para sundin ko? Nanay ko nga hindi ko sinusunod, siya pa kayang kakikilala ko pa lang.
Umakyat ako ng hagdan at nang makarating ako ng taas. Hinanap ko kaagad ang kuwartong bukas ang pinto. Sa aking paglingon sa kaliwa, una kong nasilayan ay ang kuwartong hinahanap ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Pinuntahan ko na ito kaagad.
BINABASA MO ANG
Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)
RomanceGacianna is well-known as a drunkard and rebellious woman. You can count on her showing up whenever there are gatherings and celebrations. The freedom she was previously experiencing abruptly vanished when she met Jackross, whom she referred to as "...