Chapter 9

187 10 0
                                    


Napalingon ako sa labas dahil napansin kong ibang gate ang pinapasok namin.

"Nasaan tayo?" I asked with curiosity.

Hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy na pumasok ang kotse hanggang sa huminto ito. Tinanggal ko ang seatbelt ko. Binuksan ang pinto saka lumabas. Nakita kong tumungo sa trunks si Jackross. Nilabas niya ang mga pinamili namin kanina.

Napasunod ako sa kaniyang ng pumasok siya sa mansion.

"Tito!" Tatlong bata ang mabilis na lumapit sa kaniya.

"Hey! Watch out!" Mabilis ding inangat ni Jackross ang mga dala niyang eco bags.

Pilyang yumakap sa tuhod niya ang tatlong cuties na little man. Mukhang triplets sila, magkakamukha kasi, e. Pero ang guguwapo nila.

"Tito! Why are you late today?" Triplets 1 asked.

"Tito, let's play!" masiglang ani ni Triplets 2.

"Tito! Tito! Lift me up!" pangungulit ni Triplets 3.

Natawa ako kasi hindi na alam ni Jackross ang gagawin niya sa tatlo.

"We are going to play, but later." tugon ni Jackross sa mga bata.

Pinagmamasdan ko lang sila sa pangungulit nila sa kanilang Tito Jackross.

"Alright! Kids! Bitawan ni'yo muna ang Tito ni'yo. Hayaan ni'yo siyang mailapag ang kaniyang mga dala." ani ng isang bagong dating na babae.

Sabay-sabay na nagbitawan ang tatlo. Nagpaalam silang nasa garden lang silang tatlo. Maglalaro raw muna sila habang naghihintay sa Tito nila. Kami lang din ang naiwan dito. Napalingon ako kay Frivo na walang paalam na umalis.

"Hi! I am Danice, his cousin. Also, the mother of those triplets." pakilala niya sa'kin.

"Gacianna, his ---" Naputol ang sasabihin ko kasi hindi ko alam kung dapat ko bang sabihing I am his wife.

"I know. You are his wife. You don't have to hide it from us." Napatingin ako sa kamay niyang hinawakan ang kamay ko sabay marahang tinangay ako papasok ng mansion.

Lihim na namangha ako sa ganda ng mansion nila. Mayaman talaga ang pamilya ng lalaking nakapang-iinit ng dugo.

"I am aware that both of you are hiding your marriage. Bagay na pinagtataka ko diyan kay insan. Napakaganda mo para itago niya lang. He is lucky to be your husband." naiiling na komento niya.

"Poor him. He doesn't know that. Hindi ko talaga alam kung bakit sa dami ng lalaki sa mundo siya pa ang napiling ipakasal sa'kin." busangot na reklamo ko.

Nagulat ako ng humagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi ko.

"Why? You don't want him? Siya ang pinapangarap ng lahat." natatawa niyang wika. "At kung hindi lang talaga kami magpinsan, baka isa rin ako sa mga nagkadararapang makuha ang atensiyon niya." she continued.

"The problem is, hindi siya ang tipong gusto ko at ganoon din siya sa'kin." kibit-balikat kong wika.

Nginisihan niya ako. "We never know. Fate brought you together. So in that sense, you are destined for each other." nakangiting wika niya.

Her smile tells a different story than her eyes. 

"My gorgeous, but troublemaker daughter-in-law is finally here." Pareho kaming napalingon sa ginang na pababa ng hagdan.

"Mom!" Napatayo sa tuwa si Danica.

Mabilis ding napatayo ako. Napatitig ako sa kaniya. Namangha ako sa ganda niya. Para pa rin siyang nasa twenties sa itsura niya. Pagkalapit niya sa'kin ay kaagad siyang yumakap sa'kin.

Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon