Habang lumalabas ako ng bus ay humihikab ako. Ako ang huling bumaba sa bus. Kagigising ko lang din kasi. Napadako ang tingin ko sa paligid. Biglang nawala ang hikab ko. Hindi ko alam kung saang lugar ito. Wala kang ibang makikita kun'di mga matatayog na puno."Hanggang dito na lang tayo. Maglalakad na tayo papasok sa loob. Check ni'yo muna mga gamit ni'yo. Baka mayr'on kayong maiwan sa loob ng bus." Napalingon ako kay professor Yannie.
Nadapuan ng tingin ko si Jackross. Kasama nito sila Belinda, Dan, Darrie at Sadler. Lumapit ako sa kanila.
"What are you doing here?" maarteng bungad sa'kin ni Darrie.
Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko sa bag ko ang dala kong camera.
"Bakit ka nga pala narito? You are not part of our class." taas kilay niya pang dagdag.
Hindi man ako nakatingin sa kaniya pero ang mga mata ko nakasilip sa mukha niya.
"Dude, narito rin ako, ah. Hindi rin ako part ng klase ni'yo. Just to remind you." singit ni Sadler.
"Okay lang naman kung ikaw, Sadler. Pero 'yang babaeng 'yan? Paano niya nagawang makasama rito?" segunda naman ni Belinda.
"At bago tayo pumasok sa loob. Para makasiguro tayong walang mawawala sa inyo. I decided na papiliin kayo ng gusto ni'yong maging ka-buddy, nang sa ganoon ay matitiyak ni'yo kung nasaan ang ka-buddy ni'yo. Para na ring mabilis ang pag-check namin sa inyo." Lahat kami ay napalingon sa gawi ni Professor Yannie.
Natigil din sa pagsasalita si Darrie.
"I know you are old enough to take care of yourself, but still, we want to secure your safety. I hope you understand." hinging paumanhin ni Yannie.
Muli akong tumingin sa paligid. Maganda ang lugar, pero hindi ko gusto ang ambiance nito.
"You can now pick your buddy. Once you have, responsibility ni'yo ang isa't isa." muling sabi ni Professor Yannie.
"At huwag ni'yo ring kalilimutan ang pinaka-goal natin sa lugar na ito. We are not here just to have fun. You are also here because of your activity. Finding a beautiful place to paint. Got it?" Professor Yannie proclaimed.
"Yes, Prof!" sabay-sabay na sagot ng studyante niya.
Lahat ay kumilos. Lumapit sa mga gusto nilang maging ka-buddy.
"Jackross/Gacianna," sabay na tawag nina Sadler at Darrie sa pangalan namin.
Napadako ang tingin ko kay Sadler. Hinintay ko ang kaniyang sasabihin pero bago pa man bumuka ang bibig niya tinawag ni Jackross ang pangalan ko at binigay niya sa'kin ang isa kong bag.
"Let's go," saad nito saka naunang lumakad sa'min. Napasunod naman kaagad ako.
"Jackross!" malakas na tawag ni Darrie kay Jackross na walang pakialam.
Kasalukuyan na kaming pumapasok sa loob. Sandali kaming tumigil sa isang maliit na bahay na sa tingin ko ay guard house. Mayr'ong sinusulat doon si Prof. Yannie at ng matapos na siya, tinanggal ni guard ang nakaharang sa daan.
"Thank you, kuya guard." pasalamat ni prof.
"Walang anuman po. Enjoy your stay po. Kapag kailangan ni'yo po ako. Tawagin ni'yo lang po ako." magalang na tugon ni kuya guard.
Pasimple akong lumapit pa lalo kay Jackross. Marahan na kumapit ako sa kaniya. Tumingin ako sa papasukan namin. Alam kong malinis naman siya pero hindi ko lang kasi gusto na napalilibutan ng mga puno ang buong lugar. Pakiramdam ko kasi gubat ang pupuntahan namin.
"Let's go everyone." yaya ni prof. saka pumasok sa loob na sinundan naman ng mga studyante niya.
Lumakad na si Jackross kaya napabitaw ako sa pagkahawak sa kaniya. Hindi ako kaagad nakagalaw. Ayaw kumilos ng mga paa ko papasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)
RomanceGacianna is well-known as a drunkard and rebellious woman. You can count on her showing up whenever there are gatherings and celebrations. The freedom she was previously experiencing abruptly vanished when she met Jackross, whom she referred to as "...