"We can't leave him. Let's save him, please!" Pilit akong kumakawala sa babaeng mahigpit ang hawak sa'kin.
"No! Look," Lumuhod siya at iniharap ako sa kaniya.
"Listen carefully, baby. He is gone. We can't go there." wika niya habang pinipigilan ang kaniyang mga luha.
Umiling ako at patuloy na sinabi na kailangan naming pasukin ang umaapoy bahay.
Hindi ko alam kung ano ang nais kong makuha sa loob.
Save? Save who?
Sino ang nasa loob?
Mahigpit na napakapit ako sa nahahawakan ko. Kumunot ang aking noo. Nakikita ko na naman ang mga eksena sa isip ko. I'm aware na nakahiga ako pero hindi ko maigalaw ang buo kong katawan.
Biglang nagbago ang lugar. Nasa gitna kami ng kalsada. Madilim ang buong paligid subalit mayr'on namang stand lamp kung saan naabot pa rin kami ng liwanag.
"Baby! You can leave me. Go! Save yourself." mahinang saad ng ginang.
Hindi ko maintindihan. Gising ang isip ko pero ang katawan maging pananalita ko ay kusang kumikilos. It's like, parang nanonood ako pero ako rin ang gumagalaw.
Umiling ang aking ulo. Ramdam ko ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi.
"No! I won't leave you here." matigas na sagot nito.
Napadako ang tingin ko sa kamay naming pilit siyang bumibitaw. Nasa loob ang ginang ng sasakyan. Mukhang nagkaroon ng matinding aksidente. Nasa labas ang kausap ng ginang kung saan nasa katawan ng bata ang kamalayan ko.
"Please! Listen to me. You should save yourself. They're here. Run! Run, please! Leave me!" mariin at halos ibuhos nito ang lakas na mayr'on siya.
Naramdaman kong tumayo ang katawan ko. Tumakbo siya palayo ngunit hindi nagtagal isang malakas na pagsabog ang narinig namin. Natigilan kami pareho.
"Gacianna!" Rinig kong tawag sa'kin.
Naramdaman kong mayr'ong humawak sa'kin.
"Gacianna, wake up!" Tawag muli sa'kin.
Hindi ko pinapansin ang tumatawag sa'kin. Ang buong atensiyon ko ay sa kotseng sumabog. Natulala ako, hindi ako makagalaw. Gusto kong takbuhin ang kotse.
"Gacianna! you're just dreaming. Wake up! Listen to me." Rinig ko sa taong pilit akong ginigising sa reyalidad.
Pero ayoko, ayokong magising. Marahan akong napaluhod. Nakatulala pa ring nakatingin sa kotseng umaapoy pa rin.
Why?
Bakit sa lahat ng taong gustong pahirapan ay ako pa ang napili? Wala naman akong ginawang masama, e.
"Gacianna! I said wake up!" malakas na sigaw sa'kin.
Napahagulgol ako ng iyak. Marahan akong tumingin sa nanginginig kong kamay. Nanlaki at nanlamig ang kalamnan ko nang makita kong mayr'ong dugo sa mga kamay. Naramdaman ko ang malamig na likidong nanggagaling sa aking ulo. Nanginginig na inabot ko ito. Pagtingin ko, buong kamay ko ay nabahiran ng mapulang dugo.
Mas tumindi ang taranta ko nang pagtingin ko sa paligid ko, maraming dugo ang dumadaloy mula sa'kin. Napalilibutan ako nito. Hindi ko alam kung saan ito nagmula.
Isang malakas na tunog ng baril ang siyang narinig ko dahilan din para tuluyan akong magising. Habol hininga akong napabangon.
"Goddamit! Gacianna! What's happening to you?" Rinig kong saad ng kung sino.
BINABASA MO ANG
Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)
Roman d'amourGacianna is well-known as a drunkard and rebellious woman. You can count on her showing up whenever there are gatherings and celebrations. The freedom she was previously experiencing abruptly vanished when she met Jackross, whom she referred to as "...