"Sorry, hanggang dito na lang kita maihahatid. You know the reason, right?" Serena stated as she stop the car.Tumingin ako sa unahan. May kalayuan pa sa gate ng campus. Kailangan pang tumawid ng dalawang pedestrian.
"Kaya mo na sigurong lakarin ang distance na 'yan?" she asked.
Tiningnan ko siya nang masama. Tinawanan lang ako ng bruha.
"Nasaan 'yong pinabibili ko sa'yo?" taas kilay kong tanong.
"Oh! Wait!" Mayr'on siyang kinuha sa likuran. Nang makuha niya ang hinihingi ko, kaagad niya itong inabot sa'kin.
"Here. Next time ikaw na bumili ng bago mong camera. Ang hirap mong hanapan. Dahil alam kong ang choosy-choosy mo. Sinigurado kong original na DSLR camera 'yan." hirit niya.
Siya kasi ang pinabili ko ng bago kong camera. Naging busy kasi ako kaya hindi kaagad ako nakabili.
"Thanks," ani ko pagkatapos kong makompirma na maganda ang quality na nabili niya.
Isinukbit ko ito sa aking balikat na parang bag lang. Binuksan ko ang pinto.
"Bago ko pala makalimutan. He wants to talk to you. He said, come with him, ASAP!" wika niya na siyang ikinahinto ko sa paglabas.
Tumingin ako sa kaniya saka tumango bilang tugon. Tuluyan ko ng binuksan ang pinto saka lumabas. Pagkalabas ko ay agad siyang lumayas sa harapan ko. Isang malalim na hininga ang ginawa ko. Legit na mayr'ong kalayuan pa ang lalakarin ko.
Nagsimula akong maglakad patungo sa tawiran. Hindi lang naman ako ang naglalakad na studyante. Mayr'on din akong kasama na parehong destination din ang tungo namin.
Saktong pagtingin ko sa traffic light. Kalilipat lang ng kulay sa green sign. Sabay-sabay kaming mga tatawid na lumakad sa pedestrian. Muli akong huminto at muling naghintay. Mayr'on pa kasing tatawiran na pedestrian.
Lumipas ang ilang minuto ay nakatawid na ako. Sa aking simpleng pagmamasid. Maraming studyante ng Jafri akong nakikita. Mostly sila ang kasabay ko. Karamihan ay naglalakad, karamihan nakasakay sa kanilang bike, ang ilan pa nakita kong bumaba sa bus, at ang karamihan ay mayr'ong kaniya-kaniyang sasakyan. Tingin ko, mga mayayamang studyante lamang ng Jafri ang mayr'on noon.
Sa aking pagpasok sa gate. Bumungad sa'kin ang ganda ng lugar. Nakahelerang maple tree sa parehong sides ang makikita mo papasok sa mismong pinaka-core ng paaralan. At pagkatapos, isang mataas at malawak na school building naman ang sasalubong sa'yo.
Ramdam ko ang bawat paglingon ng mga studyante sa'kin. Naririnig ko ang kanilang bulungan pero binalewala ko na lang iyon.
Malakas ding makaala-korean style sa uniform ang Jafri University. Color maroon ang kulay nito, mapa sa kulay ng skirt at coat. Ang tanging puti lang ay ang blouse na nasa ilalim ng coat. Bumagay sa'kin ang kulay at desinyo ng uniform. Umabot sa kalagitnaan ng hita ko ang haba ng skirt nila. Para mas maging cool ang datingan. Nagsuot ako ng heels na mayr'ong taas na five inches.
Sorry but I love wearing high heels sa kahit ano pa ang suotin ko.
"Hi, miss. Puwede ko bang malaman kung saan dito ang photography building?" tanong ko sa isang studyanteng inabangan ko.
BINABASA MO ANG
Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)
RomanceGacianna is well-known as a drunkard and rebellious woman. You can count on her showing up whenever there are gatherings and celebrations. The freedom she was previously experiencing abruptly vanished when she met Jackross, whom she referred to as "...